MATAMAN lang akong nakatitig kay Isabella habang naghihintay ng na-order naming pagkain. We both decided to have our breakfast inside this room. Habang nasa kabilang kwarto naman sila Rim. Walang pinagbago sa kaniya, maliban sa mukha na bahagyang nag-mature. She is still the Isabella I used to know. Mahinhin, malambing at soft-spoken. "Jako.." basag niya sa katahimikan na namamayani sa kwarto. "Hmm?" I replied. Ngumiti siya nang tipid na para bang nahihiya. This is so awkward. "Thank you for saving me. After everything I have done to you, pinili mo pa rin iligtas ako," aniya at mahinhin na tumawa. I smirked. After what she did to me? Ano bang ginawa niya sa akin? She just turned down my proposal in front of the crowd. For what? For her other man. Napangiti ako at napailing na lan

