CHESCA: NAGKATINGINAN pa ang mga ito na nagtatanong ang mga mata. Pilit akong ngumiti kahit mukhang hindi nila gusto ang prehensya ko. "Noah, kumusta na kayo?" aniko na pilit pinasigla ang tono. "Ha?" napakamot pa ito sa ulo na nanatiling nakayapos ang isang braso sa baywang ng asawa nito. "Eh 'di ba nagkita lang naman tayo kanina?" Napalis ang ngiti ko sa isinagot nito. Ibig sabihin, kasama nila sa mansion si Kelsey. Pero bakit siya nandoon? May dapat ba akong malaman? "H-hindi ah. Ako ito, si Chesca. K-kakambal ko. . . si Kelsey. A-ako 'yong tumayong. . . ina ni Darren." Nauutal kong pagtatapat na ikinakunotnoo ng mga ito. "Ano bang trip mo, ha? Umuwi ka na lang ng mansion. Hindi 'yong pinagti-trip-an mo kaming mag-asawa." Masungit na turan ni Jen sa akin. "J-jen, hindi. Ako

