Chapter 34

1323 Words

CHESCA: BAGSAK ang balikat ko na bumalik ng restaurant. Ngayon ko lang kasi napag-alaman na nakabalik na pala si Darren ng bansa. Natataranta ako kanina at hindi masagot-sagot ng maayos ang mga guard kung bakit ko kailangan ang amo nila. Kaya sa huli, hindi ko nahabol si Darren. Pinigilan na kasi ako ng mga ito nang mamukhaan ko ang kotse ni Darren at hinabol ko. Idagdag pang tinatawag ko ang pangalan niya kaya naagaw ko ang attention ng mga guard. Nang makumpirma nilang ang boss nga nila ang palabas ng parking lot, pinigilan na nila ako. Nanghihina akong naupo sa swivel chair ko dito sa mini office ko sa restaurant. Akala ko pa naman ay makikita ko na si Darren. Hindi pa pala. "Kape po, Ma'am Chesca," ani Lidia na siyang assistant manager ko. Pilit akong ngumiti dito na umayos ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD