Chapter 18 "Sweetheart, are you okay!?" dinig kong sigaw ni Chuck sa labas ng banyo. Ini-lock ko kasi ang pinto dahil ayokong marinig nito na dumuduwal ako. "I'm okay, Chuck, don't worry!" pasigaw ko ring sagot saka binuksan ang gripo. "Please open the door." Pinabayaan ko lang ito na sige pa rin sa pagkatok sa pinto. Ayokong buksan iyon dahil ayokong makita niya ako sa ganitong kalagayan. Parang dinaanan ng bagyo ang hitsura ko dahil kagigising ko lang nang makaramdam ako ng pagsusuka. Sabog-sabog ang buhok ko at kahit anong pigil ko ay kusang lumuluha ang aking mga mata. Hirap na hirap ako sa tuwing dumuduwal ako. "Sweetheart?" "Just a minute!" Nagmadali akong mag-toothbrush at pagkatapos maghilamos ay inayos ko ang buhok. Kumuha ako ng towel at binuksan ang pinto habang pinupunasa

