“Ma’am, saan ko po dadalhin itong mga gamit?” tanong ng driver nilang si Manong Ed. Nahuli kasi itong pumasok sa sasakyan dahil kinuha pa nito ang mga maleta niya sa unit ni Rob. Sigurado siya na sa mga ora na iyon ay gising na ang binata. “Sa mansion na lang po muna, Manong,” walang gana niyang sagot. She couldn’t even look at the building. Pinaglaruan niya ang mga daliri at mariing kinagat ang mga labi para pigilan ang luha. Pagdating niya sa mansion, nagulat siya nang makita ang nagkakagulong maid sa mansion kasama ang kanilang mayordomang si Manang Sid. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang binundol ng kaba ang kaniyang dibdib. Nagmamadali siyang lumabas ng kotse at nilapitan si Manang Sid. “Eduardo! Eduardo! Madali ka!” Nataranta siya nang makita ang anak ni Manang Sid na

