“Lips,” sagot ni Rob bago muling magsimula ang laro nila. “Lips,” pinal naman niyang sabi. Then she lose another round. Doon na siya nakahalatang sinasadya na ni Rob na magpatalo. Tumayo siya at namaywang sa harap ng binata. “Ayoko na! Sinasadya mong magpatalo para baliwin ako!” Ngunit sa halip na mainis sa sinabi niya’y nangingiti pa itong tumayo. “I’m just giving you your prize. Nothing’s wrong with that, right?” Matalim niya itong tiningnan. “You are torturing me, Rob. Alam kong ikaw rin. Why don’t we just do it—” Napahinto siya sa pagsasalita nang inilang hakbang nito ang pagitan nila at marahas na inangkin ang mga labi niya. Nahigit niya ang hininga nang makipag-espadahan ito ng dila sa kaniya. He’s exploring her mouth like he’s marking his territory. Napakapit siya sa balik

