JULIA crossed her legs while reading a book. Nillibang na lang niya ang sarili habang hinihintay na dumating asawa niya. Sabi ni Sitti, hindi na raw nakabalik sa opisina si Rob matapos nitong sumaglit doon para magbilin ng ilang bagay na may kinalaman sa trabaho nito. Napaangat siya ng tingin nang marinig ang ingay ng sasakyan mula sa labas. Mukhang si Rob na nga iyon. Umayos siya ng upo at madilim ang mukhang humarap sa main door habang hinihintay na pumasok ang asawa mula roon. “It’s late. You could have called so I can send you some of your clothes for staying there until your Zhuri gets well,” sarkastiko niyang sabi. Mataman niyang pinagmasdan ang mukha nito at hinintay kung paano ito magre-react sa sinabi niya pero nanatiling kalmado ang mukha nito at balewalang lumapit sa kaniya.

