PALAKAD-LAKAD si Julia nang makapasok sa master’s bedroom. Kanina pa sila nakauwi pero hindi naman siya magawang dalawin ng antok sa kahihintay ng tawag o message man lang mula sa asawa niya. He just said it was an emergency kaya para siyang t-ngang nag-iisip ngayong kung ano iyon. Nakasimangot na sinulyapan niya ang cellphone na nakalapag sa kama. Still waiting that its light would turn on for some messages. But there were none. Napabuntong hininga na lang siya. “Saan ka ba talaga nagpunta?” Ibinagsak niya ang katawan sa kama at tulalang napatitig sa kisame. She had this weird feeling when he left. Para bang may hindi na naman magandang mangyayari. Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang tumunog ang cellphone niya. It was Rob’s mom calling. “Ma?” “Hija…” Bumilis ang tahip

