MABILIS na lumipas ang panahon at namalayan na lang ni Julia na ikalawang buwan na pala niyang nagtatrabaho kay Rob bilang sekretarya. It really frustrates her dahil nagbabayad siya sa isang akusasyon lamang. “Hanggang kailan ba ako magiging sekretarya mo?” tahasan niyang tanong kay Rob nang ipatawag siya nito sa office. Humalukipkip ito at nakangising tumingin sa kaniya. “Until I say so, sweetheart. Now, go back your table. I'll just call you later.” He winked. Iritado siyang lumabas ng opisina nito at muling hinarap ang trabahong hindi naman dapat para sa kaniya. She has her own business. She’s a chef. Sa kusina siya dapat nagtatrabaho o ‘di kaya’y sa sarili niyang opisina. Sumandal siya sa swivel chair at pinaglaruan sa daliri ang ballpen habang malalim na nag-iisip. Ano kayang p

