CHAPTER 58: Sushi

1129 Words

NAPAKUNOT ANG NOO ni Julia nang lampasan siya ng crew na may dala ng pagkaing in-order niya para sa lunch. Pumasok ito sa opisina ni Rob at naiwan siyang nag-aalburuto na ang tiyan. Sana pala ay nagbaon na lang siya ng pagkain. Kinuha niya ang bag at naghanda na para bumaba na lang sana sa cafeteria nang bumukas muli ang pinto. “Ma'am, tawag po kayo ni Sir Rob?” “Huh? Ako? B-Bakit daw?” Nahihiya namang umiling ang crew kaya hindi na niya ito pinilit pang sumagot. Nginitian na lang niya ito nang magpasya nang bumalik sa cafeteria. Ang sabi kasi ni Sitti, may chef naman daw doon na tiga-luto ng pagkain ni Rob kaya kung hindi man ito makakalabas ay nagpapadala na lang ng pagkain sa opisina. And now that she’s here, siya na ang um-o-order pero hindi naman pala siya ka-share. Nakasima

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD