DAHIL sa pagod ay tinanghali na ng gising si Julia. Mataas na ang sikat ng araw na tumatagos sa kurtina sa kanilang kwarto. Napalinga siya sa paligid ng silid nang maalalang inabutan na siya ng antok kagabi habang nagbabasa ng libro si Rob sa couch. Naroon lang talaga ito kagabi at panaka-nakang sumusulyap sa kaniya habang kaharap ang libro. Hindi nga niya alam kung naiintindihan pa ba nito ang binabasa sa kasusulyap sa kaniya. Nag-ingat siya at nagpasyang bumaba na ng kama para simulan muli ang araw na iyon nang inaabala ang sarili niya. Natigilan siya nang may maalala. Hindi pa nga pala niya nakukuha ang mga gamit niya sa opisina. Baka makasagabal pa ang mga iyon sa trabaho ni Sitti. Some of those are personal to her. Pagkatapos ng morning routine niya para sa sarili ay bumaba na siy

