NANGILID ang luha ni Zhuri matapos marinig ang mga sinabi ng doctor na sumuri sa kaniya. Humigpit ang kapit niya sa braso ng mommy ni Rob. “T-Tita, si Rob po? Can I see him? Can you call him, please?” Namumula ang mga matang tumango ang ina ni Rob na nagmagandang loob na samahan siya sa ospital na iyon. It’s been a week mula nang huli siyang bisitahin ni Rob sa bahay niya. Pagkatapos no’n, hindi na ito bumalik o kahit tumawag man lang para kumustahin ang lagay niya. These past few days, nakararanas siya ng matinding pananakit ng ulo at may kasama pang pagsusuka. She thought it was just a bad day for her kaya hindi niya sineryoso. Until Rob’s mom convinced her to see a doctor. And she did. Pero hindi niya akalain na ang araw na iyon ang gigimbal sa kaniya. She was scared just like how she

