MATAPOS isuot ang gown ni Julia, ilang beses niyang sinipat sa salamin ang itsura niya. She looked so beautiful in her white gown with its unique design that suits the sunset view of their wedding. “Let’s go this way, Miss Julia,” ani Quenzy at iginiya siya papunta sa bangkang sasakyan nila. Malapit lang naman ang venue ng kasal pero mukhang kasama sa plano ang pagsakay niya sa bangka patungo roon para mas romantic ang pagdating niya. Halos hindi na niya namalayan na nakarating na pala sila sa dulo ng tulay na kahoy, kung saan siya daraan diretso sa altar na ginawa roon. Ilang minuto pa ang nakalipas at narinig na ni Julia ang wedding march. Inalalayan siya ng mga staff sa pagbaba mula sa bangka. “Please be careful, Miss Julia,” sabi pa ng isa. Parang sasabog na ang puso niya sa pinag

