NAGISING si Julia nang marinig ang sunod-sunod na tunog ng alarm clock sa bedside table. Pikit pa ang mga mata nang inabot niya iyon para i-off. She counted one to five before she got up. Late na naman kasi siyang nagising. Bawat galaw niya ay may pagmamadali. Napanguso siya habang nakaharap sa salamin. Hindi man lang siya ginising ni Ella na siyang kasama niya sa kuwarto. Mabilis siyang naligo at nagsuot ng komportableng damit bago mag-agahan. Mabuti na lang at may puso pa pala ang magaling niyang kaibigan at iniwanan siya roon ng breakfast. She even left a note for her. AKYAT KA NA LANG SA ROOFTOP AFTER MO MAG-BREAKFAST. Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa iyon. Dali-dali niyang isinubo ang natitirang pagkain sa plato niya. Hindi na siya nag-abala pang mag-make up dahil siguradong k

