BAGSAK ang balikat na ibinaba ni Julia ang phone matapos matanggap ang tawag mula sa isang potensyal na eye donor para kay Rob. Nag-back out kasi ang pamilya ng lalaki kahit na inalok na nila ang mga ito ng karagdagang bayad. Mas gugustuhin pa raw ng mga ito na ilibing ang anak nila na kompleto ang bahagi ng katawa kaysa habambuhay silahg makonsensya. “They could have told us earlier na magba-back out sila. Nasabi ko pa naman do'n sa isang donor na may nahanap na tayo kaya naibigay na rin nila sa iba,” problemado ring sabi ni Ella. Nahilot ni Julia ang sentido at nanlalatang napaupo sa tabi ni Ella. Tinawagan niya ulit ang mga kakilala niya para tanungin kung may nahanap na ang mga ito pero iisa lang ang naging sagot sa kanila. Ipinikit niya ang mga mata at isinandal ang ulo sa headre

