THREE DAYS LATER, Rob was still in coma. Matiyaga namang nagbabantay sa ospital si Julia at umuuwi na lang kapag kailangan na niya ng kaunting pahinga. Marami naman kasi ang pwedeng pumalit sa kaniya roon. Pero ayaw niyang ma-miss ang chance na siya ang unang makikita ni Rob kapag nagkamalay ito. She wants to be the one to calm him kapag nag-panic ito. Ipinagpapasalamat na lang niya na natanggal na lahat ng bumaong bubog sa katawan ni Rob. Nagtamo rin ng injuries ang kanang binti nito pero makakalakad pa rin si Rob kapag naka-recover na ito. Pero ang tanging nakakabahala sa kaniya ngayon ay ang sinabi ng doktor ni Rob na posible itong mabulag dahil sa mga bubog na tumama sa mga mata nito. “Ma, Rob’s gonna be okay, right?” Malungkot na hinawakan ng ina ni Rob ang kaniyang kamay. “He wil

