NATATARANTANG ch-in-eck ni Julia ang mga nilulutong pagkain nang tingnan niya ang oras. It’s already 3:00 P.M. Dapat ay tapos na ang mga iyon para mai-serve na sa mga nakahandang table. “Guys, I'm sorry to say this but we have to double our time. Rob will be out by 4:00 P.M. Kaya ba? Don’t worry, may early bonus kayo sa akin after this,” aniya sa chef at mga kitchen staff niya roon na siyang nag-aasikaso ng mga pagkain. Masyado kasing marami ang putaheng nasa hinanda niyang menu at na-delay pa ng dalawang oras ang pagdating ng mga karneng gagamitin kanina dahil sa traffic. “Yes, ma'am. Oh, narinig n’yo naman 'yung sinabi ni Ma'am Julia. Double time!” Their head chef clapped once to signal the staff to keep going. Lumabas naman si Julia ng kitchen para tingnan ang iba pang hinanda niya

