JUST when Julia started the engine, sakto namang nag-ring ang phone niyang nakalapag sa passenger seat. Inabot niya iyon at kaagad na sinagot nang makita ang pangalan ni Ella sa screen. “Elle? Napatawag—” “Juls, free ka ba ngayon? Kailangan ko lang talaga ng kausap.” Dinig niya ang mahinang paghikbi nito sa kabilang linya. Matapos nitong sabihin ang dahilan ay kaagad niyang minaniobra ang kotse pabalik para puntahan ang kaibigan. Nag-away daw kasi ito at si Kyce at nagpasyang umalis muna ng bahay para maglabas ng sama ng loob. Kahit pagod na siya at gusto nang umuwi, hindi naman niya pwedeng pabayaan ang kaibigan niya roon. Kapag siya naman ang nangangailangan ng kausap ay hindi nawawala si Ella para damayan siya. Pinuntahan niya ito sa isang bar at inabot din sila ng ilang oras doon

