NAKAHINGA nang maluwag si Julia nang maabutan pa niya si Sitti sa opisina. Hawak na nito ang isang box na naglalaman ng mga gamit nito. Nalungkot ang ekspresyon niya. Nang dahil sa kaniya'y mawawalan pa ito ng trabaho. “Ma'am, ito na po ang magiging table ninyo. Wala pa naman pong ibinilin si Sir Rob kung ano ang gagawin n'yo kaya chill na lang po muna kayo,” ani Sitti at makahulugang ngumiti sa kaniya. “Thank you, Sitti, pero… paano ka?” Sinulyapan niya ang mga dala nitong gamit. Muli itong ngumiti. Wala ni isang bakas ng kalungkutan sa mukha nito sa kabila ng pagkakatanggal nito bilang sekretarya ni Rob. “Don't worry about me, ma'am. Kaya ko na po ito. Sige na po, mauuna na ako. May lakad pa po ako mamaya, e,” excited nitong sabi. Hahakbang na sana ito paalis nang tila may naa

