bc

My Billionaire Blind Date

book_age18+
11
FOLLOW
1K
READ
family
HE
neighbor
drama
sweet
office/work place
childhood crush
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

"He’s the heir she’s avoiding. She’s the doctor he can’t forget.

Two strangers. One strict rule: No real names, no labels, no questions asked.Para kay Dr. Jace, ang "RK" na kasama niya sa loob ng kanyang condo sa BGC ay ang kanyang lihim at tanging pahinga. Para kay RK, ang "JM" na nakilala niya sa bar ay ang babaeng hindi na niya kayang pakawalan, dahil para sa kanya ito ang babaeng gusto na niyang makasama sa buhay.

Pareho nilang tinatakasan ang fixed marriage na ipinipilit ng kani-kanilang mga ama. Ngunit nang mapilitan si Jace na makipagkalas kay RK upang harapin ang lalaking nakatakda sa kanya, isang masakit na pagtatagpo sa isang pagtitipon ang magbubunyag ng katotohanan—

Ang lalaking matagal na niyang iniiwasan na si "RICHARD"at ang lalaking binigyan niya ng kanyang puso na si RK… ay iisa pala.

chap-preview
Free preview
LOVE AT FIRST SIGHT
Sa loob ng APEX—ang eksklusibong bar na pagmamay-ari ng negosyanteng si Elijah Monteverde—nangingibabaw ang malakas na tugtog mula sa DJ booth at ang masayang ingay ng mga taong nag-aagawan sa espasyo ng dance floor. Ilang mesa ang layo mula sa gitna ng kasiyahan; masayang nag-uusap ang grupo nina Doc Jacel Martina Mendoza, o "Jace o JM," ang kaibigan nitong si Mia Torres, at ang kasintahang si Joseph Sebastian. Kapwa mga doktor din sila at madalas magkasama sa mga medical mission kapag walang regular na pasilidad na pinupuntahan ni Jace. Agaw-pansin si Jace sa suot nitong white silk top na bumagay nang husto sa kanyang maiksing leather skirt at itim na boots. Ang kanyang matatangkad na binti, mapuputing kutis, at ang natural nitong tindig ay sapat na para lingunin ng halos lahat ng kalalakihang dumaraan sa kanilang mesa. "Grabe, Jace. Buti naman at napapayag kang lumabas ngayong gabi," nakangiting biro ni Mia habang umiinom ng cocktail. Sinenyasan niya pa si Jace habang umiiling-iling. "Akala ko habambuhay ka na lang magpapakalunod sa mga libro at hiking gear mo." Napakurap si Jace sa sinabi nito at marahang ibinaba ang hawak na baso sa maliit na mesa sa gilid ng bar. "Kailangan ko rin naman ng konting pahinga, Mia," malumanay nitong sagot, habang alam niyang mababakas ang pagod sa kanyang mga mata mula sa sunod-sunod na shift sa ospital. "O kaya'y tumakas sa paulit-ulit na sermon ng daddy mo tungkol dun sa 'Richard Villanueva' na gusto niyang ipakilala sa iyo?" dagdag ni Joseph na natawa nang mahina habang inaabot ang isa pang baso kay Jace. Napakunot ang noo ni Jace, biglang uminit ang ulo at napairap nang bahagya. "Huwag ninyong simulan ang gabing ito sa pangalang 'yon; masisira ang gabi ko," mariin niyang sabi, bakas ang pait sa boses. "Ayoko sa mga lalaking sunud-sunuran sa magulang at nag-aabang lang ng mana. Saka ang kapal ng mukha na ako pa ang paghihintayin kung kailan free ang schedule niya—malamang bastos, mayabang, arogante… basta lahat na ng worst na ugali nasa kanya!" Nakita ni Jace ang pag-angat ng kilay ni Joseph bago lumawak ang ngisi sa labi nito, habang si Mia naman ay napahalakhak na parang walang narinig na galit sa tono ng kaibigan. “Tama na ’yan, uminom na lang tayo, cheers para sa mga pasyenteng hindi marunong magpasalamat at sa daddy mong mapilit!” sabay taas ng baso ni Mia habang masayang nakikipag-toss kina Jace at Joseph. Wala nang nagawa si Jace kundi ang mapangiti nang mapait, itaas ang kanyang baso, at makipag-toss sa kanila. Kahit papaano, nabawasan ang bigat sa dibdib niya—kahit panandalian lang. Gusto niya lang munang kalimutan ang mundo, pati na ang lalaking 'yan na kahit hindi pa niya nakikita, kinamumuhian niya na agad. Hindi niya alam, sa bawat lagok niya ng alak, papalapit na nang papalapit ang oras kung kailan magtatagpo ang landas nilang dalawa—ang lalaking ayaw niyang makilala, at siya, na ayaw niyang makita. Sa kabilang dako ng bar, sa isang eksklusibong VIP table, tahimik na nakaupo si Richard Kier "RK" Villanueva habang mariing nakatungga ng whiskey. Mabigat ang iniisip ng binatang bilyonaryo. Wala nang ibang bukambibig ang ama nitong si Don Dizon Villanueva kundi ang pilit na pagpapakilala sa kanya sa isang babaeng nagngangalang "Martina Mendoza." Wala siyang ibang nais ngayong gabi kundi ang makalimot at takasan muna ang pangungulit ng ama. Kasama niya sa mesa ang kanyang matatalik na kaibigan na sina Elijah Monteverde (ang may-ari ng bar), Enzo Dela Cruz, at Brix Villanes—mga tagapagmana rin ng mga kilalang pamilya. Sa kabila ng mga babaeng nagpaparamdam sa paligid, tumutungga lang si RK ng alak dahil wala talaga siya sa mood na makipagsosyalan. "Bro, seriously?" basag ni Elijah sa katahimikan habang iniiwas ang tingin sa DJ booth at inaabot kay RK ang isang baso ng whiskey. "Grand opening 'to ng bar ko, hindi burol ng negosyo ng Dad mo. Tapos, mukhang mas interesado ka pang isipin kung paano tatakasan ang isa na namang meeting na pinipilit ni Tito Dizon sa'yo?" Umiling si RK, bumuntong-hininga nang malalim, at isinandal ang likod sa malambot na sofa. Nararamdaman niya ang matinding inis habang napapahigpit ang hawak sa baso. "Wala ako sa mood para sa mga ganyang gimik, Elijah," sagot niya. "Sabi ko naman kay Dad, kung maghahanap ako ng mamahalin ko, hindi sa pamamagitan ng resume o pilit na pormahan ng mga magulang natin. Ayokong maging sunud-sunuran sa gusto nila." "Sabagay, mahirap talagang pilitin ang isang Richard Kier Villanueva kung ayaw niya," sabat ni Brix habang natawa at umiiling. "Eh paano kung diyosa pala at sobrang sexy 'yung Martina Mendoza na 'yon? Wala ka bang picture man lang ba diyan?" "Wala akong picture at ayokong makita," mabilis at iritableng sagot ni RK. "Sigurado akong boring 'yun, spoiled brat dahil solong anak ng mayaman, o kaya'y laging nagmamalaki dahil sa estado niya bilang doktor." Upang ibaling sa iba ang inis, lumingon si RK sa paligid habang nag-aangat ng baso para uminom. At doon… bigla siyang natigilan. Ilang mesa lang ang layo mula sa kanila; ang grupo nina Jace ang namataan niya. Pero ang paningin ni RK ay agad na napako nang husto sa dalagang naka-white silk top. Para bang huminto ang pag-ikot ng buong mundo sa paligid niya. Ang matatangkad na binti, mapuputing kutis, at ang natural na tindig nito ay may kakaibang karisma na agad na yumakap sa buong sistema ng binata. Hindi pilit ang ganda nito; may taglay itong tapang at alindog na ngayon lang nasaksihan ni RK sa ibang babae. Love at first sight. Iyon ang eksaktong naramdaman ni RK sa sandaling iyon. Ang kaninang pagkabagot at inis ay biglang napalitan ng isang mainit at marahas na silakbo ng damdamin—isang kuryenteng dumaloy sa kanyang mga ugat na ngayon lang niya naranasan sa buong buhay niya. Habang nakatitig si RK sa kanya, napansin niyang passionately itong nakikipag-usap sa mga kasama habang iritableng inaangat ang hawak na baso. Hindi man niya marinig nang buo ang lahat ng sinasabi nito, ang bawat galaw ng mga labi at ang emosyon sa mukha nito ay lalong nakakabighani para sa kanya. Naramdaman ni RK na napalingon din si Elijah kung saan nakatutok ang kanyang mga mata. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang babae. “Grabe, RK… ang ganda naman niyan,” mahinang bulong ni Elijah. Sumilip din si Brix mula sa gilid, napaawang ang labi habang nakatingin sa dalaga. “Ang sexy pa, bro! Jackpot ka diyan, ang kinis!” Hindi na rin nakapagpigil si Enzo. Lumapit ito kay RK at isinabit ang braso sa balikat ng kaibigan. “Target locked, mga bro. Kapag hindi ka pa kumilos diyan, RK, uunahan kita.” Agad namang sumingit si Elijah at tinapik nang malakas ang balikat ni Enzo. “Teka, teka. Kay RK 'yan!” sabay tingin kay RK. “I got you, bro!” Matapos ang sunod-sunod na utos at tuksuhan, tinawag agad ni Elijah ang isang waiter malapit sa kanilang VIP table. “Dalhan mo ng isang complimentary drink—yung best-seller nating tequila sunrise—dun sa naka-white top na magandang babae sa kabilang table. Tapos, sabihin mo galing kay... RK,” utos ni Elijah, sabay turo kay Richard na medyo nagulat sa biglaang galaw ng kaibigan. “Gago ka, Elijah! Sinong nagpasabi na gamitin mo ang pangalan ko?” reklamo ni RK habang sinasamaan ng tingin ang kaibigan, bagama't mabilis pa rin ang kabog ng sariling dibdib sa halo-halong kaba at pag-asa. Sa kabilang table, dahan-dahang lumapit ang waiter na may dalang tray na naglalaman ng isang eleganteng baso ng alak. “Ma'am, complimentary drink po galing sa kaibigan ng may-ari ng bar, kay Sir RK po,” magalang na sabi ng waiter, sabay turo sa direksyon ng kabilang VIP table kung saan nakaupo ang apat na binata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.1M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
832.0K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.1M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
385.3K
bc

Not just, the Beta

read
362.1K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook