Kabanata 1 - Imposibleng Pangarap

3116 Words
“Ang gwapo talaga ni Lovian... hindi ba, Lace?” Magkahalo ang pagkamangha at ngisi sa tinig ni Anwen nang sinabi iyon. Nasa lilim kami ng puno ng acacia, sa ‘di kalayuan ay ang tanawin ng kamalig, kung saan naroon ang dalawang tao na tila kasing tamis ng kalamay na siyang ipinatong ni Anwen sa kahoy na mesa. Inaayos ko naman ang mga plato roon. Nakita kong nakatingin sila sa gawing iyon, dahilan para napatingin na rin ako. Hindi inaasahan na ang madadatnan ng aking mga mata ay ang imahe ni Ate Ellie na ngiting-ngiti at tila napatili habang basang-basa ang kaniyang damit. Tulad nila ay napukol na rin ang aking mga mata sa lalaking nakangisi. Nakuha nito ang hose sa kamay ni Ate Ellie at tinapat dito, making her scream while laughing. Basa na rin si Lovian dahil naunang itutok sa kaniya ni Ate Ellie ang hose. Water dripped on his manly body. Mula sa kaniyang noo ay nahulog ang mga butil ng tubig pababa sa kaniyang sentido. Pababa sa kaniyang panga at mga labi. He was wearing a thin white long-sleeved shirt. Bukas ang lahat ng mga butones at dahil sa pagkabasa’y dumikit sa kaniyang matipunong katawan at sumunod sa hulma ng kaniyang mga braso, isang rason kaya hindi maalis ang tingin nina Anwen. Humigpit ang aking paghinga, at bago pa bumaba ang mga mata ko ay binalik ko na iyon sa mesa, kahit dinig ang pagsinghap nina Anwen at pinagmamasdan doon si Kuya Lovian. “Kumain na tayo...” saad ko pero walang nakinig. Tinagilid pa ni Nova ang kaniyang ulo habang sinimot ang bakas ng kalamay sa kutsara. “Minsan, Lace, napapaisip ako. Maganda naman si Ellie pero mas maganda ka.” Huminga ako nang malalim at iyon na naman sila sa usapang iyon. Binalik ko tuloy ang tingin sa dalawang nagsisiya sa gawi ng kamalig. “Mas matured na rin naman kasi si Ellie sa lahat ng aspeto. Ang sexy niya kaya! Sana ganiyan din ang boobs ko paglaki.” Si Anwen habang sinipat ang kaniyang dibdib. Napangiwi na lang ako. Kung bakit iyon pa ang kanilang napapansin ay hindi ko alam. “Malaki rin naman ang boobs ni Lace, ah? Hindi magtatagal, mas magiging sexy pa ‘yan. Ang ganda ng legs niya. Kapag mas nag-mature ay tiyak na perfect na siya,” sabi ni Nova. “Hoy, tigilan mo nga iyang pangungumpara mo sa magkapatid, Novalie. ‘Di hamak na mas bagay naman si Senyorito Lovian at Ellie! Lalo na’t sila ang magkaedad,” sabi ni Aling Ruby, ang mama ni Nova. Napatingin ako rito habang naglakad siya palapit sa amin sa lilim ng puno. May dalang pitsel para sa juice. “Oo nga, Aling Ruby, ewan ko ba riyan kay Nova, laging tinutukso si Lace kay Senyorito Lovian... siya yata ang may crush kay Senyorito. Pagsabihan n’yo nga iyan at nalulong na yata sa kakabasa ng pocketbook,” sabay ngisi ni Anwen. Kalaunan ay natawa na lamang kami nang kaunti nang mahinang pinukpok ni Aling Ruby ang anak gamit ang sandok na ikinanguso nito. “Nasabi ko lang naman, ‘Nay! Grabe naman po kayo makatuktok,” pangangatwiran niya at hinilot ang noo habang nakatulis ang mga labi. Paupo na rin naman ako para kumain at magpatuloy sa pagbabasa. Pinagsasabihan pa ni Aling Ruby si Nova habang sinalinan na rin ako ng juice sa aking baso kahit sabi kong ayos lang at ako na. “Pasensya ka na, Lace, ah? Alam mo naman ‘tong si Novalie ko, rumurupok na yata ang utak niyan kakapuyat sa pagbabasa, nilalamon na ng mga kwentong pag-ibig na ‘di naman makatotohanan.” Natawa na lang ako at medyo tinago ang isang maliit na librong hawak ko. Nakita iyon ni Novalie kaya nag-make face na lang ang kaibigan. “Ayos lang po, Aling Ruby... hindi naman po seryoso si Nova,” sabi ko na lamang at natatawa rin. “Mabuti na lang at kahit disi siete pa ‘tong si Lace ay malalim na ang pang-unawa, kundi naku... kakalbuhin kita, Novalie,” sabi ni Aling Ruby. “Hindi na kita isasama rito sa susunod kung ganiyan ka manukso kay Lace, ah?” I just smiled. Close na kami ng anak ni Aling Ruby na si Nova kaya wala na iyon sa akin. Hindi ko rin naman sineseryoso at madalas, pasok sa isang tenga at labas sa kabila lamang. Anwen is my schoolmate. Matagal na kaming magkaibigan at nang nagtrabaho si Aling Ruby sa lupain ng mga De Realista at dinadala ang kaniyang anak na kaedad lang din namin, napalapit na rin sa amin si Novalie. Kilala ang mga De Realista bilang pinakamayaman dito sa Montel del Viento. They own the largest portion of land in this town, sa ibang bahagi nga ng kanilang malalawak na lupain ay mayroon nang mga nakatira at pinagbigyan na lamang ng permiso ni Don Leocadio, ngunit sa oras na kakailanganin na ng mga De Realista ang lupa kung sakali, obligado silang umalis na walang gulo. The De Realistas are loved in this town. Ang ganoong setup ay magmula pa sa mga ninuno ni Kuya Lovian. Kilala naman kasi silang mapagbigay at hindi ganoon kahigpit o kalupit sa mga mamamayan. Hindi sila matapobre. The men in their families are men of values. Principled... sabi-sabi rin noon na hindi sila ang tipo na basta tumatalikod sa responsibilidad. Even when it against their very heart. Principles over the affairs of the heart, huh? Muli kong naibalik ang tingin sa kamalig at nakitang tumatawa pa rin si Ate Ellie. Pareho silang basang-basa ni Kuya Lovian habang pumulupot ang braso nito sa kaniyang tiyan at nilayo sa gawi ng putik. Ate Ellie laughed and wrapped her arms around his waist. Pagkayakap doon ay inakbayan din siya ni Kuya Lovian at pinatay na ang tubig sa hose. Sexy si Ate Ellie. Maganda rin siya. Her hair is brown. Palaging hanggang ibaba ng balikat lang iyon. Kapag lumalagpas na ay ginugupitan niya na agad. Mas matangkad siya sa akin kahit pa halos magkadikit lang ang aming edad. She’s just one year and four months older than me. Malapit na akong mag-eighteen, habang siya ay tumungtong na ng nineteen dahil tapos na ang kaniyang birthday. Her beauty is seductive. I know because I’ve heard it from men already. Maraming lalaki ang nagkakagusto kay Ate Ellie lalo nang tumungtong siya sa edad na marunong nang mag-ayos at manamit nang nauuso. She’s got the perfect boobs and butt. She’s very confident in her clothes, too. Hindi siya mahiyain at marunong magdala ng usapan, isa ring rason kaya sikat at maraming kaibigan. Hindi ko namalayan na pinagmamasdan ko na pala sila. I can’t help but smile a bit, masaya ako kapag nakikita kong masaya si Ate Ellie. I know she deserves every good thing in this world. Masaya rin ako na si Kuya Lovian ang kaniyang makakatuluyan dahil alam kong magandang pamilya ang De Realista. They are the epitome of honor. Regal. Alam ko ring mahal ni Kuya Lovian si Ate Ellie at sapat na iyon para humantong sa kasal ang kanilang relasyon. Kakasagot pa lang sa kaniya ni Ate Ellie. Halos isang taon nang nanliligaw si Kuya Lovian sa kaniya since she turned eighteen. He had no arrogance in him. Kaya kung may lalaki man din akong mapagkakatiwalaan sa aking ate ay si Kuya Lovian na iyon. “Wow, mukhang masarap ‘yan, ah!” Si Ate Ellie nang nakalapit na sa lilim ng puno. Nauna na siyang lumapit at hinawi ang kaniyang buhok saka inipit sa likod ng tenga. Basang-basa pa silang dalawa. “Naku, ‘di ba kayo magkakasakit niyan, Ellie, Senyorito Lovian? Mainit kanina tapos ay nagbasa kayo,” ani Aling Ruby habang inabutan ng malinis na tuwalya si Ate Ellie. She just smirked. Mahaba ang mesa at sa dulo ay naupo siya. Si Kuya Lovian naman ay pinigaan ang damit ni Ate Ellie na hinubad nito dahil sa pagkabasa, naiwan na lamang ang shorts at bra niya kaya animo’y nag-swimming. “Senyorito, kumain na rin kayo!” sabi ni Aling Ruby. “Gumawa rin po ako ng kalamay, request ni Ma’am Venice. Magugustuhan n’yo rin iyan!” pagmamalaki pa ni Aling Ruby sa niluto. Ngumiti si Kuya Lovian. Basa rin ang kaniyang buhok na nagulo. Ang kaniyang mga mata ay dumako agad doon sa pagkain nang nakalapit. Napalingon agad sina Anwen at Nova na mukhang hindi mapigilang tingnan si Kuya Lovian. “Come, babe! Tikman mo... masarap nga talaga,” sabi ni Ate Ellie at tinawag si Kuya Lovian patungo sa kaniyang gawi. Yumuko ito nang bahagya nang nilapit ni Ate Ellie ang kutsara na may kalamay para abutin iyon. His adam’s apple moved when he tasted it. “Masarap, right?” tuwang sabi ni Ate Ellie at binalik sa kaniyang bibig ang kutsara. “Hmm, masarap,” sabi ni Kuya Lovian habang lumagok ng juice. Binalik ko ang tingin sa aking binabasa. Paminsan-minsan ay hina-highlight ko roon ang gusto kong lines. Minsan hindi ko masisi si Novalie sa takbo ng kaniyang isip dahil sa mga nababasa, but to me... these love stories will remain in paper, in words... ang mundong ito ay nasa pagitan lang ng mga pahina, ng mga salita. I agree with Aling Ruby, too. Hindi makatotohanan. Sometimes, I think they’re just fooling the readers, making them think these kinds of love exist, pero ang totoo ay wala namang ganito sa totoong buhay. Iyong lalaking mamahalin ka nang husto at ituturing na isang kayamanan. One time or two, they will always slip. Of course, no one is perfect. Mga babae ma’y nagkakamali. But men without flaws are unrealistic. They always have flaws, nakatago man o lantaran. And most of the time... ang inaakalang knight in shining armor ay siya ring kutsilyong susugat sa puso mo. They save you from the world, only to break you in their hands... “Lace! Hello?” Boses ni Ate Ellie ang nakabasag sa aking iniisip at tahimik na pagbabasa. Napaangat tuloy ako ng tingin at nakitang napatingin silang lahat sa akin! “Po? A-Ate?” medyo bigla kong tanong at sinara muna ang binabasa. “Kanina pa kita tinatanong, eh! Sabi ko ay kung natikman mo na ang kalamay?” tanong niya na agad kong ikinatango, pero bago pa ako magsalita ay nagpatuloy na siya at binalewala na ang unang tanong. “Bakit ba abala na abala ka riyan, huh? Ano na naman ‘tong binabasa mo?” sabay kuha sa librong hawak ko. Wala pa man ay nag-init na ang aking mukha. Nabasa na ang mesa dahil basa si Ate Ellie at nakapatong lang ang tuwalya sa kaniyang mga hita. Tumawa sa gilid sina Anwen para tuksuhin ako. “Ate! A-Akin na,” sabi ko at tumayo nang kaunti para makuha iyon sa kaniyang kamay pero nilayo iyon ni Ate Ellie at bago ko pa maabot ay bumaba na siya sa mesa at naglakad-lakad habang binasa iyon nang malakas. Napatayo na ako. Tumatawa na lang sina Aling Ruby. “He touched her breasts, kneaded her hard peak that sent her an electrifying sensation... while his mouth savored the other one in a way she arched her back. Hanggang bumaba ang kamay nito sa pagitan ng kaniyang mga hi—what the hell, Lace? Ano itong binabasa mo?!” sabi ni Ate Ellie na ikinatakip sa bibig nina Anwen at Novalie para pigilan ang malakas na tawa. Pulang-pula ang mukha ko. Si Aling Ruby naman ay nagpigil na lang din ng tawa. Nang napatingin ako kay Kuya Lovian ay matinding kaba at pagkapahiya ang aking naramdaman. He looked at me and even without any clear expression to be described from his face, alam kong nakakahiya ‘to! “A-Ate, akin na—” “Oh, my god, Lace! Kabastusan naman ‘tong binabasa mo! This is like written porn!” giit ni Ate Ellie habang binali-baliktad ang cover ng pocketbook. Mas sumidhi ang init sa pisngi ko. “W-Wala pa ako sa part na ‘yan... hindi ko ‘yan nabasa,” agad kong paliwanag. Totoo. Noong kinuha niya iyon sa ‘kin ay nawala ang page na binabasa ko. Sinisimulan ko pa lang ‘yon at hindi ko pa narating ang sinasabi niya! I-I didn’t even know there was a scene like that! “You’re just seventeen! My gosh, anong matututunan mo rito? How to seduce a man?! Like what? Malaman mo kung anong gusto nila at gayahin mo?!” ani Ate Ellie. Napalunok ako sa aking pagkakatayo. It never occurred to me na mapapahiya ako nang hapong ‘yon. “Iba naman ‘yan sa porn, Ate Ellie. This one’s romantic and for the sake of love, part ng plot ‘yan!” sabi ni Anwen. Ate Ellie gasped and she couldn’t believe us. “Oh, right, right! Kayong mga bata kayo, ito ang inaatupag n’yo, ah? This is just teaching you to be pregnant in an early age!” Napayuko na ako, lalo na’t nadamay na rin sina Anwen at Novalie sa mga sinabi ni Ate Ellie. I know what she was trying to point out, pero totoo ring hindi ko pa ‘yon nabasa. Hindi ko alam na may ganoon part ang kwento. It was about two childhood friends... I-I didn’t know na tatanda sila at may ganoon na scene! “H-Hindi ko po alam na may ganiyan, Ate... it’s my fault,” sabi ko upang hindi na madamay si Novalie. I picked that love story out of many ones stacked in the shelf at our teacher’s house, isang close naming teacher na maraming libro sa bahay nila. Kapag pumupunta kami roon nina Novalie, pwede kaming humiram ng kahit anong libro. Iyon ang napagkainteresan nina Anwen at Novalie at sinabing kumuha rin kami ng maliliit at mukhang exciting basahin. Sa dami ng nahiram na libro ay hindi na nila ‘yon napansin! “Hindi naman lahat ng kwento ay may ganiyan, Ellie,” sabi ni Aling Ruby. Ate Ellie is so pissed off. Kung kanina ay sobrang lawak ng ngiti niya habang nandoon sila ni Kuya Lovian sa kamalig, ngayon ay iritado na. “I’m sure the kid didn’t know there was something like that in there, Elle,” kalmadong sinabi ni Kuya Lovian. Napayuko ako. Pumikit at ramdam ang labis na hiya! She read it out aloud! Sa harapan ng lahat... “You think so, Jaxon? I’m sure she knew! Si Lace pa, eh, mahilig naman ‘yan mangbusisi kaya siguradong alam niya na may ganiyan pero binasa pa rin!” Inis na inis si Ate Ellie. Tumahimik na lang din si Aling Ruby. Hiyang-hiya talaga ako! “Don’t read those anymore, Lace... masiyado pa kayong bata para diyan. Your sister is just concerned,” sabi ni Kuya Lovian na ikinalagok ko. Napatingin ako sa kaniya at may takot na tumango. “Opo... s-sorry po, hindi na mauulit—” “Hindi mo na talaga uulitin na magbasa ng mga basura na ‘to, Lace! Isusumbong kita kay Mommy!” agad na sabi ni Ate Ellie. May isa pang pocketbook sa gilid ko. Kinuha niya rin iyon. “This is porn! Gosh, lason ‘to sa isip, alam mo ba ‘yon?!” Kuya Lovian stayed calm, kahit nang nasanggi siya ni Ate Ellie nang pumagitna dahil nasa harapan ko banda ang boyfriend niya. “Come on, Ellie... not all literary piece with a scene like that is considered porn...” sabi ni Kuya Lovian who had to point that one out, but he did it in a gentle way. Seryoso man ay banayad ang kaniyang boses. “Hindi naman siguro nila sinasadya. Besides, hindi na ‘yan uulitin ni Lace at ng mga kaibigan niya. Hindi ba?” Tumango agad ako. “Opo... s-sorry po.” “You ruined my day, Lace! With you reading these pieces of sh*t!” dagdag pa ni Ate Ellie saka tuluyang dinala iyon kahit nabasa sa kaniyang mga kamay. Tumalikod na siya at nagmartsa paalis sa mesa. Napasunod na lang din ng tingin sina Anwen at Novalie. Anwen is clearly pissed off. Hindi na rin naman nagtagal si Kuya Lovian at sinundan si Ate Ellie. “May punto naman ang ate mo, Lace. Concerned lang siguro iyon,” sabi na lang ni Aling Ruby. “Oh, kumain na kayo...” Hindi mawala-wala ang bara sa lalamunan ko habang nag-init na rin ang sulok ng mga mata sa pagkapahiya. Nagsalita si Anwen. “Hindi nga natin alam na may ganoon na scene pala roon! Nakabasa na tayo ng ilan pero wala namang gano’n! Grabe naman ang ate mo, Lace. She was so harsh!” sabi ni Anwen at naiirita na naupo ulit at nagpatuloy na lang sa pagkain. Nasundan ko ng tingin si Ate Ellie na nagmartsa papasok sa bahay ng mga De Realista. Gumagawi kami rito, madalas kapag hapon, dahil tumutulong kami nina Novalie at Anwen sa rancho lalo na sa mga kabayo. Bukod pa roon ay mabait sina Don Leocadio at Ma’am Venice at sinabing ayos lang kung kailan namin gustong pumunta rito. Nandito rin naman kasi si Aling Ruby at mas napapadali ang trabaho nito kapag tinulungan namin at makakauwi nang maaga kina Novalie. Besides, ginagawa lang namin ‘to kapag hindi abala sa eskwelahan. Pero si Ate Ellie, madalas dito lalo na simula noong sinagot niya si Kuya Lovian. Nakita ko kung paano siya sinundan ni Kuya Lovian patungo sa bahay. From afar, I saw how Ate Ellie immediately calmed down nang kunin ni Kuya Lovian ang braso niya. Napalingon pa si Ate Ellie sa aming gawi at nang nakitang napasunod ako ng tingin sa kanila ay umirap siya at bakas ang galit sa mukha. Nawala lang siya sa aming paningin nang tuluyan silang pumasok ni Kuya Lovian sa loob. I wasn’t just embarassed. It’s beyond that. I fell in deep shame, hiya na rin para sa aking sarili dahil alam kong kahit saang mundo, imposible ang inaasam ng batang puso ko. It is a dream worse than any profession I could ever want. It’s a dream I should never even think about. Kailangan kong patayin ang damdamin na iyon bago pa ito tuluyang magbunga at maging sanhi upang masira ang lahat, at higit sa lahat, ang sarili kong buhay. I will only hurt myself. It’s impossible, at alam ko na ‘yon bago pa sumibol ang nararamdaman kong ito na hindi kailanman magiging tama. This one should remain in the deepest part of my heart, buried there... and will never even have the chance to see the light of hope! I will trample it... end it, crush it with my own hands. And in time... I will forget this all, and move forward in my own life...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD