Ang pagbubukang-liwayway sa Paris ay naghatid ng malambot na kulay rosas at kahel na sinag ng araw sa loob ng suite. Maagang nagising si Wylda, ang kaniyang katawan ay may bahagyang kirot pa mula sa mapusok na gabi nila ni Jeriah, ngunit isang matamis na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi nang makita ang binata na mahimbing pang natutulog sa kaniyang tabi. Dahan-dahan siyang bumangon, maingat na hindi ito magising. Nagsuot siya ng isang oversized na puting polo ni Jeriah na kinuha niya sa maleta nito—sapat na ang haba nito para takpan ang kaniyang hita, ngunit sadyang nakabukas ang unang tatlong butones, inilalantad ang kaniyang makinis na balat. Sa halip na bumaba sa hotel restaurant kung saan sigurado siyang nandoon sina Evelina at ang ibang staff, mas pinili ni Wylda na gamiti

