Nanatiling estatwa si Jeriah sa kaniyang kinatatayuan, ang kaniyang mga mata ay tila naging madilim nababalot ng poot habang nakatitig kay Evelina. Ang bawat salita ng blackmail—ang banta sa reputasyon ni Wylda at ang pagkaladkad sa kanilang lihim na relasyon—ay tila mga lason na unti-unting pumapatay sa kaniyang pasensya. Ramdam niya ang bawat t***k ng kaniyang puso na tila isang tambol na nagbababadya ng digmaan. "Fine," maikli at malamig na sabi ni Jeriah. Ang kaniyang boses ay walang anumang emosyon, isang senyales na ang binata ay nasa kaniyang pinakamapanganib na estado. "I'll be your partner tonight. I'll play your little game, Evelina." Mas malamig na bosee nababalot dagdag nitong sabi. Isang matagumpay na halakhak ang kumawala sa mga labi ni Evelina, isang tunog na nagpataas ng

