Hindi pa nakakasagot si Wylda nang biglang may kumatok sa pinto. Agad silang natigilan, ang kaba ay muling bumangon sa kanilang mga dibdib. ​"Ma’am Wylda? Sir Jeriah? Nakahanda na po ang pagkain sa ibaba, hinihintay na po kayo nina Sir Jetron," boses iyon ni Aling Perla, ang matagal nang kasambahay sa mansyon. ​Mabilis na tumayo si Jeriah at lumapit sa pinto, hindi ito binuksan ngunit sapat na ang lakas ng boses para marinig sa labas. "Sige po, Aling Perla. Susunod na kami, nasa banyo pa si Wylda, naglilinis lang," sagot niya bago narinig ang papalayong mga hakbang ng ginang. ​Hinarap ni Jeriah ang dalaga. "Maglinis ka muna ng katawan para gumaan ang pakiramdam mo. Baka mapansin nila ang amoy natin sa ibaba," bulong niya. Muli niyang binuhat si Wylda at dinala sa loob ng malawak na bany

