Napailing si Shin sa text message na nabasa niya. May field trip sila. Ang problema lang, wala siyang pera. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pambayad. Sakto lang sa kanilang tatlong magkakapatid ang sinasahod ng kaniyang ama na isang guwardiya at kaniyang ina na nagtatrabaho sa pabrika ng sapatos. Gusto pa naman sana niyang pumunta. Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng panghihinayang. "O! Pare, anong problema mo?" si Mark, kasama niyang barista sa cafe. "May field trip kasi kami." "Astig! Saan ang field trip niyo?" "Sa Palawan." Nagulat ang binata. "Ang layo! Malamang, mahal iyon." Napakamot na lang ng ulo si Shin. "Mahal talaga! Sampung libo ang bayad kada estudyante." "Anak ng tokwa! Suweldo na natin iyan ng dalawang buwan." "Oo nga. Gustuhin ko man na sumama, wala akong

