Ikapitong anibersaryo ng pagkamatay ng Mommy ni Ashiya ngayon kaya pumunta siya ng sementeryo. Nagdala siya ng tatlong kandila at isang basket na puno ng pulang mga rosas. Sinindihan niya ang mga kandila at itinulos ito. Malinis ang paligid dahil may binabayaran sila upang maglinis doon kaya sumalampak na lang siya sa sahig. Ganoon ang gusto niyang puwesto kapag nandoon siya. Gustong sumama ni Ryuuji sa kaniya pero hindi siya pumayag. Gusto niyang makasama nang mag-isa ang ina. "Mommy, okay na po kami ni Daddy. Madalas na siyang umuuwi sa bahay. Napapadalas ang pagkain namin nang sabay. Namamasyal at lumalabas kami minsan. Bumalik na sa dati ang lahat, ikaw na lang ang kulang." Pilit na ngumiti si Ashiya. Kahit paano, natatanggap na niya ang nangyari. Alam niyang hindi na maibabalik ang t

