Final Chapter

1675 Words

Hawak pa rin ni Ashiya ang kamay ni Ryuuji nang biglang bumukas ang pinto. Sabay na dumating ang Daddy niya at si Miyuki, tuwang-tuwa ang mga ito. "Good news, Ashiya. May nag-donate ng dugo para kay Ryuuji." Napayakap si Miyuki sa kaniya dahil sa sobrang tuwa. Napangiti siya sa magandang balita. "Talaga po? Sino po ang donor?" "Hindi nila sinabi anak. Gusto raw kasing maging anonymous ng donor." Napapalakpak siya sa sobrang tuwa. "Kung sino man po siya, regalo siya ng Diyos sa atin. Salamat naman at matatanggal na ang bala kay Ryuuji." Tumango ang mga ito bilang pagsang-ayon. Matagal nang magkakilala at magkaibigan ang mga pamilya nila kaya naman para na silang magkakamag-anak. Ang pighati ng isa ay pighati ng lahat. Ang kasiyahan ng isa ay kasiyahan ng lahat. Pumasok na ang dalawang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD