Chapter. 5

1275 Words
PAHARUROT na walang pag-aalinlangan na pinatakbo ni Lance ang kaniyang Blue Ford Raptor na sasakyan. Hindi niya alam kung bakit gano'n na lang ang pag-aalala niya. Nang malaman nitong tumakas ng ospital ang babaeng kaniyang tinulungan. “Why didn't you even keep an eye on her!” galit nitong wika sa isang kausap niyang nurse, sa ospital. “Weʼre sorry, Mr. Sebastian. Hindi namin inaasahan na tatakas sʼya ng ospital. Nag-check lang po ako ng ibang pasyente para sa gamot na kailangang inumin nila,” pagpapaliwanag nito sa kabilang linya ng telepono. Subalit para sa binata ay walang magandang dahilan para sa kaniya. Sunod-sunod na busina ang iginawad niya nang matanaw nito ang babaeng nakaharang sa kaniyang daraanan. Saka niya binalingang muli ang kausap sa kabilang linya ng telepono. “Your apologies are not acceptable reason! Tungkulin nʼyong bantayan ang mga pasyente. Lalo na sa isang katulad niyang walang permanenteng mapupuntahan!” “Iʼm s-sorry, Mr. S-Sebastian,” mautal-utal nitong ani na halos kaba ang lumulukod sa bawat sinasabi nito. “Hanapin nʼyo ang babaeng ʼyon. As soon as possible!” “S-sige po, Mr. Sebastian.” Sabay baba nito ng telepono. At tarantang nagtungo kay Dr. Mariano. Halos magtangis ang galit ni Lance. Sa entrada pa lang ng ospital. Kaagad nitong tinungo ang silid kung saan naroroon si Dr. Mariano. Gayunpaman, tanging respeto pa rin ang ipinakikita sa kaniya ng mga empleyado lalo naʼt siya ang nangangalaga nang pagpapatakbo ng Ospital. At ito rin ang pag-aari ng kaniyang tiyuhin na si Dionisio Javier Sebastian. Na isinunod sa pangalan ng Dionisio Javier Hospital. Kaya nang mamayapa ang kaniyang Uncle, ay sa kaniya na ito ibinilin. Lalo naʼt walang kakayahan pang magpatakbo ng ospital ang kaniyang pinsan na si Blake na nag-aaral sa America. Ayaw nitong nadudungisan ng kahit anong pagpapabaya sa ospital nitong iniingatan. Tanging kalabog ng pinto ang nagpagulat sa ilang nurse, na nasa loob ng conference room. Kapag mga ganitong isyu at hindi maganda ang nangyayari ay alam na ni Dr. Mariano ang susunod na hakbang ng binata. Metikuloso ito at ayaw na nagkakamali pagdating sa mga usaping pangangalaga lalo na sa mga pasyenteng nasasakupan nito. Walang ngiting naupo ito sa high back executive chair nito. At pabagsak na inilapag ang dokumentong kanina pa niyang hawak. “I don't want this to happen again. And hopefully nothing will please her badly. I have maintained the reputation of the hospital. Mainly the patients admitted here!” Kasabay nang matatalim na matang iginagawad niya sa mga ito. “Mr. Sebastian, hindi namin ito inaasahan. At walang may gustong mangyari ito. I hope your understand,” malumanay na wika ni Dr. Mariano. “But please be careful. If you don't want to lose your job next time!” matapang niyang sambit. Kasunod nang pagtayo niya at paglisan sa loob ng conference room. *** “Hoy! Anoʼng ginagawa mo sa mga paninda ko? Nagnanakaw ka, noh!” nanggagalaiting ani ng matanda sa kaniya. “Naku! H-hindi po n-nagkakamali ka sa inaakala mo.” “Hoy! Babaeng mabaho ang pangangatawan. Lumang istilo na ang ginagawa mo. Marami nang gumawa nʼyan! Kaya halika nang magtanda ka.” Halos hilahin siya ng matandang babaeng na nagtitinda sa isang bangketa. Pakiramdam niya ay katapusan na nang kaniyang buhay dahil sa kutsilyong nakatutok sa kaniyang harapan. “Ano! Wala ka ba talagang balak na sumunod sa akin!” Tanging mga kampay ng puno at mga ilaw ng gusali ang kaniyang nasisilayan. Malayo kasi siya sa lugar ng kaniyang pinagdaanan kanina. Hindi na niya namalayan ang pagliko niya sa isang eskinita. Kaya naman naisipan niyang sumilong sa isang maliit na tindahan dahil sa unti-unting pagpatak ng ulan. Kamalasan nga lang ay napagbintangan siyang nagnanakaw dahil sa suot niyang hospital gown. Na halos magdumi na sa kahahanap niya ng pagkain sa isang dump site na pinagiimbakan ng mga pagkaing pʼwede pang ilaman sa kaniyang sikmurang humahapdi na sa kirot. “Manang!” tawag niya sa matandang walang tigil ang paghila sa kaniyang kaliwang kamay. “Alam ko po na galit kayo sa akin. Pʼwede ba akong mag-request. Sasabog na po kasi ang pantog ko. At kapag hindi ko ito nailabas baka ikamatay ko,” pagdadahilan na wika ng dalaga. “Ikaw na babae ka! Ang dami mong dahilan. Dapat sa ʼyo ipinakukulong!” Sapilitan ang ginagawang paghila sa kaniya ng matandang babae. Kaya naman minabuti ni Ella ang itulak ito para bumagsak at pigilan ang pag-harass nito sa kaniya. Hindi naman niya sinasadya ay mabilis siyang nakatakbo palayo sa babaeng tila hindi siya gagawan ng kabutihan. Habol hininga siyang napaupo sa bakanteng wooden chair nang marating niya ang parkeng tanging ilaw lang ng poste ang nagsisilbing liwanag sa kaniyang kinaroroonan. “Sa dinarami-rami kong daraanan. Bakit doon pa ako napasuot? Grabeng buhay ʼto!” pagmamaktol ni Ella. Na tanging dala-dala nito ang isang supot ng tinapay na nakuha lang niya sa basurahan. “Mabuti pang kainin ko na lang ang natitirang tinapay na hawak ko.” Binuksan niya ito at hinipan dahil sa maliliit na langgam na kaniyang nasilayan. Ngunit bago pa man niya ito kainin ay inamoy-amoy muna niya ito. “Hindi naman amoy amag kaya pʼwede na siguro ʼto. Atlis may laman ang kumakalam kong sikmura.” Matapos niyang kainin ay isang drinking fountains ang kaniyang nakita. Hindi siya magkumayaw sa kung alin ba ang kaniyang susubukang inumin. Daig pa niya ang batang nasisiyahan dahil nilaro-laro muna niya ito bago siya uminom. Tila ba sa bawat pagyapak niya sa ibaba nito ay naaalala niya ang mga sandaling nabubuhay pa ang kaniyang magulang. “Siguro iba ang takbo nang buhay ko. Kung hindi sila maagang nawala. Kung hindi nila ako maagang iniwan. Sana ako na lang ang nawala . . . P-para hindi ko nararanasan ang hirap na ganito,” mangiyak-ngiyak niyang sambit. Napaluhod siya sa katabi ng kaniyang kinatatayuan. At malaya niyang pinakatitigan ang madilim na kalangitan. “Pagod na ako!” sigaw ni Ella. “Pagod na akong mabuhay sa ganitong sitwasyon. Pagod na akong magtiwala sa kanilang lahat! Wala naman nagmamahal sa akin kundi sarili ko lang ʼdi ba! P-pero bakit? Bakit ako ang nagdurusa?” Hindi na niya napigilan ang mga luhang matagal na niyang gustong ipagsigawan. Luhang tanging doon lang niya kayang ilabas. Isang sakit sa damdamin na mahirap hanapan ng lunas. “Patawad . . . Mama! Papa! Kasalanan ko kung bakit kayo nawala.” Tanging paghikbi ang kaniyang pinakakawalan. Kasabay nang malakas na pagbuhos ng ulan. Subalit napatigil siya nang maliwanag na ilaw ang nagpapaaninag sa kaniyang harapan. Parang sa bawat pag-andap nito ay tumatatak ang lalaking nasa loob ng sasakyan. Nang mapansin niyang pababa na ang lalaki sa sinasakyan nitong asul na kotse ay mabilis siyang nakaripas nang takbo. Pakiramdam niya ay anumang saglit. Kaya siya nitong dalhin sa kung saan. Walang patid ang bawat takbo nito. Kahit na naririnig niya ang baritonong boses na sumisigaw sa kaniyang likuran. Na tila humihina dahil sa unti-unting paglayo niya sa lalaking hindi niya makilala. “H-hanggang k-kailan nʼyo ba ako b-balak saktan . . .” nanginginig niyang tinig na tila may takot na nangingibabaw sa kaniyang isipan. Bakas sa kaniyang katawan ang lamig dulot nang bagsak ng ulan. Naisipan niyang magkubli sa mga halaman na kayang itago ang pangangatog at pangangatal ng kaniyang pakiramdam. Saka siya marahan na humiga sa bermudang tanging iyon ang nagiging sapin niya sa malawak na parkeng kaniyang kinaroroonan. Habang walang tigil ang ihip ng hanging sumasabay sa malakas na ulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD