Chapter 6

2610 Words
Chapter. 6 NAGISING ako sa malakas na ingay na aking naririnig. Ang ulan na kagabi ko nasaksihan ay napalitan nang maliwanag na sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Dahan-dahan akong bumangon. Habang ramdam ko pa rin ang basang damit na aking suot. Saka ko kinusot ang aking mga mata. Nagpasya na akong tumayo nang isang bata ang humila sa aking basang damit. “Lumayo ka nga sa ʼkin!” wika ni Ella na ikinabigla nito. “Ayoko nga!” malakas na sambit nito sa kaniya na may ngiti sa mga labi. “Talaga baʼng makulit kang bata ka!” “Eh, bakit mo ba ako pinaaalis? Gusto ko lang naman makipaglaro sa ʼyo.” “Hindi mo ba nakikita ang itsura ko! Mamaya isipin ng magulang mo . . . Kung anoʼng ginagawa ko sa ʼyo. Kaya sige na, umalis ka na!” “No!” malakas na ani ng batang babae. “Kung ayaw mo, eh di hʼwag! Pero huwag kang lalapit sa akin!” “Bakit ba ang sungit-sungit mo? Wala ka baʼng bahay? Bakit pinabayaan ka nila?” sunod-sunod nitong tanong kay Ella. “Sige na . . . Huwag nang marami pang tanong!” Tanging ngiti ang iginanti ng paslit na bata sa kaniya. Saka ito nagpasyang umalis sa kaniyang harapan. Kasunod nang pagtayo niya at paghawak sa katabing puno nito. “Ang sakit talaga ng ulo ko. Pakiramdam ko magkakasakit na yata ako,” ani ni Ella. Habang marahan siyang humahakbang palayo sa kaniyang kinaroroonan. Natanaw niya sa ʼdi kalayuan ang gusaling na sa pagkakaalam niya. Iyon ang magliligtas sa kaniyang nararamdaman. Ngunit bago pa man niya iyon marating ay isang footbridge, ang kailangan niyang tawiran. Sa isip niya ay hindi na nito kayang lakarin pa dahil sa hapdi nang sikmura at sakit ng ulo na kaniyang nararamdaman. Kasabay rin nang pamumutla ng kaniyang mukha. Sa kaniyang paglalakad nadaanan niya ang nagkukumpulan na mga tao. Napakunot pa ang kaniyang ulo dahil sa ingay nang ilang sasakyan na walang tigil sa pagbusina. Ngunit isang matandang babae ang humampas sa kaniyang likuran. “A-aray!” bulaslas ni Ella na ikinagulat nito. “Next time, huwag kang humarang sa nilalakaran ko! Dapat sa ʼyo . . . sa bundok nakatira. Hindi ka nababagay dito sa syudad!” Minabuti na lang niya na hindi patulan ang matanda. Hindi na rin niya kaya pang makipagsabayan sa buka nang masamang salitang ipinupukol nito sa kaniya. Hinayaan na lang niya itong lumayo. Ngunit tila hindi na nito kinaya pa ang mas lalong pagkahilo sa kaniyang sarili. Muntik na sana siyang mawalan nang balanse. Mabuti na lang ay mabilis siyang nakahawak sa isang lalaking kalapit lang nito. “Naku! P-pasensya na po. H-hindi ko po sinasadya,” tarantang ani nito sa binata. “Don't worry, Iʼm okay,” wika nito. Kasabay nang pagtaas ng kamay nito sa kaniya. Halos nakatatlong beses siyang nagpasalamat sa lalaking hindi niya kilala. Napatitig pa siya sa magandang kulay na mata ng binata. Kaya't hindi na niya napigilan pa ang ngiti na nagmula sa kaniyang mga labi. “Miss, mas kailangan mo ito.” Sabay abot ng binata sa kaniya ng pera. “A-ah, eh . . . S-salamat,” mautal-utal niyang wika. “Your welcome, gamitin mo ang perang ʼyan . . . para mabili mo kung ano man ang gusto mo.” Kasabay nang musikang naririnig niya mula sa sasakyan nitong nakabukas. Na nagbigay muli nang pag-asa sa kaniya. Tila ba ang musikang iyon ay nagdadala mula sa kaniyang mga nakalipas na alaala. Patakbo niyang tinungo ang footbridge. Habang may ngiti sa kaniyang mga labi. Tanaw na tanaw kasi niya ang mall. Pakiramdam nʼya ay hinihila siya nito patungo sa loob. “Sa wakas makakapasok na rin ako sa mall na ʼto. Ang tagal kong ipinagdarasal na sana makarating ako dito. Ang problema madalas akong pigilan ni Aling Nora,” wika ni Ella na akala moʼy isang batang nakatitig sa harap ng gusali. Sabay paglapat nito ng kaniyang mga palad. Na tila na dinig ang kaniyang mga kahilingan. Marahan ang bawat hakbang ng kaniyang mga paa. Patungo sa entrance ng mall. Ang mabahong amoy ng kaniyang damit ay tila hindi niya iniinda. Subalit ang mga tao sa kaniyang paligid ay pinagmamasdan ang kanʼyang itsura. “Ahmm, ano baʼng pakialam nila sa ʼkin? Porkeʼt ganito ang itsura ko. Gano'n na lang nila ako tingnan,” bulong nitong wika. Mababakas kay Ella ang pagkairitable nʼya sa mga taong titig na titig sa kaniyang hubad na mga paa. May ilang galos rin siya sa kaniyang mga binti at ang damit na suot nito ay wala na sa pagkakaayos. Akmang papasok na sana siya ng mall nang dalawang security guard ang humarang sa kanʼya. “Hoy! Bawal kang pumasok dito,” ani ng guard na humarang sa kaniyang daraanan. “Bakit ba pinipigilan nʼyo ako?!” malakas na untag ni Ella. “Sa katulad mong ʼyan. Sa tingin mo papasukin ka namin sa loob. Mamaya nʼyan kung ano pang gawin mo! At isa pa bawal dito ang mga katulad mo!” “May pambili ako!” malakas nitong sigaw. “Sa damit nʼyo lang ba kayang tingnan kung mabuti o masama ang isang tao!” pangangatwiran nito sa lalaki. “Kung ako sa ʼyo aalis na ako!” pagmamataas nitong wika sa dalaga. “G-gusto ko lang naman magpalit ng damit ko.” “Hay, naku! Kayo talagang mga nasa lansangan. Hindi talaga kayo marunong makinig. Sige na . . . layas! Kung ayaw mong dalhin ka namin doon sa pulis station,” galit nitong untag sa dalaga. Pilit man siyang pinaaalis ay naupo na lamang siya sa isang tabi. Naghihintay nang tamang oras kung paano siya makakapasok? Na tila ang bawat taong dumaraan sa kaniyang tapat ay nagbibigay ng barya. Tanging buntong-hininga na lamang ang kaniyang pinakawalan. Saka siya muling tumayo sa kaniyang kinauupuan. “Makakapasok din ako sa loob,” bulong niyang ani sa sarili. Halos dagsa ang mga taong dumarating. Lalo na't araw ng linggo ay kalimitang pumupunta ang mga tao sa mall. Nakikita niya ang bawat siksikan ng mga tao. Hanggang sa naisipan na lamang niyang pumagitna upang makapasok sa loob nito. “Ano ba ʼyan ang baho?!” tanging giit ng isang babae sa kaniyang likuran. “Hoy! Umalis ka dʼyan!” hiyaw ng security guard, nang makita siyang nakikipagsiksikan sa gitna ng mga ito. “Ikaw na naman! Hindi ka ba talaga natatakot,”pagbabanta sa kaniya ng lalaki. Bagkus na umalis si Ella ay napilitan niyang itulak ang dalawang babae sa kaniyang unahan. Narinig pa niya ang bawat hinaing nang ilang mga tao sa kaniya. “Bakit ba hinahayaan ang babaeng ito makapasok sa loob?!” wika ng matandang babae. Halos tila magkagulo na ang lahat. Nang palayo siyang napatakbo sa loob. Kasabay nang pagsigaw ng mga taong pumipigil sa kaniya. “Hoy!” Ngunit para sa dalaga ay isang tagumpay ang kaniyang nagawa. Una niyang nakita ang ilang mga damit na nagsabit sa isang boutique. Napahawak pa siya sa salamin na sumasangga sa naka-display na mannequin. “Wow! Ang ganda naman nito,” tanging untag nʼya. Napatigil na lang siya sa pagmamasid sa damit. Nang isang tawag ang kaniyang narinig sa ʼdi kalayuan. “Miss, huwag ka nang magbalak na tumakbo pa. Kung ayaw mong ipadampot ka namin sa mga pulis!” malakas na sigaw ng isang lalaking na naghihikahos dahil sa pagtakbo. Nakita niya ang isang lift na para baʼng iyon ang magkukubli sa kaniya. Pabilis nang pabilis ang bawat pagtakbo nʼya. Hanggang sa marating niya ang elevator. Tanging buga ng hanging ang kaniyang pinakawalan sa sarili. Saka siya napaupo sa loob nito. “Akala ko talaga. Mahuhuli na nila ako,” hinihingal niyang wika. Ilang sandali lang ang bilang na rumirehistro sa nakikita niyang numero sa loob ng elevator. Hudyat na para bumukas ito. Dahan-dahan siyang tumayo at saka iniayos ang gula-gulanit niyang mga damit. At pagsuklay ng kaniyang mga daliri sa gulo niyang mga buhok. Sa pagtunog ng elevator at pagbukas nito. Nakita niya ang ilang mga sasakyang na naka-park. Napakunot pa ang noo nʼya dahil sa parking area siya napadpad. “Ang hirap talaga kapag walang alam sa mundo,” ani nʼya sa sarili. “Hindi naman dapat nandito ako,” kagat labi niyang sambit. Akmang babalik na sʼyang muli sa elavator nang sunod-sunod na putok ang kaniyang narinig. Muntikan pa siyang napasigaw nang isang itim na lalaki ang kanʼyang nakita. Dala ang baril na sa pakiramdam niya ay roon nagmula ang malakas na putok. Takot at kaba ang lumukod para kay Ella. Nang marinig niya ang sigaw ng isang lalaki. “Bilisan nʼyo iligpit ʼyan! At siguraduhin ninyong hindi na sʼya mabubuhay pa!” Marahan siyang nagtago sa likod ng isang sasakyan. Kasunod nang dahan-dahan niyang paghakbang ng kaniyang mga paa. Upang masaksihan ang lalaking nagmamakaawa. “Please, pakawalan nʼyo na ako!” ani ng lalaking humihingi nang pagkakataon. “Magbabayad ako ng malaki. Kahit magkano pa! Huwag nʼyo lang ako patayin.” “Sa palagay mo ba? Ganoʼn lang kadali ang atraso mo sa amin. Baka nakakalimutan mo . . . na ilang beses mo na kaming niloloko. Tapos sasabihin mo . . . na magbabayad ka nang malaking halaga. Ha!” “M-may p-pera a-ako . . . At kapag nakuha ko ʼyon. Siguradong makakabayad ako sa inyo.” “Siguraduhin mo lang dahil kung hindi. Wala nang susunod pa! Naiintindihan mo ba?!” “Y-yes, Boss!” Tahimik lang nakamasid ang dalaga. Habang ramdam niya ang tensyon sa pagitan ng isang lalaking nagmamakaawa at mga armadong may mga hawak ng baril. Marahan niyang inihakbang ang kaniyang mga paa. Palayo sa mga ito. Ngunit sa pagtapat niya sa isang sasakyan ay biglaan na lamang itong tumunog. Animoʼy naglikha nang ingay sa palagid. Kasunod nang pagsigaw ng lalaki sa kaniyang likuran. “Sino ka?!” sigaw ng lalaki kasabay nang pagkasa nito ng baril. Ang takot na kaniyang nararamdaman ay sumasabay sa sunod-sunod na tunog ng sasakyan. Saka siya tumayo at mabilis na tumakbo. “Ano ba ʼtong napasukan ko?” bulong niya sa kaniyang isipan. “Malas na nga ako kanina. Mas malas pa ako ngayon,” tanging untag nʼya. Ngunit hindi pa siya ganoʼn nakalalayo nang isang putok ng baril ang kaniyang narinig. Napatakip pa ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang tainga. Habang nakatayo sa gitna ng mga sasakyang naka-park. “Sino ka?!” pag-uulit muli ng lalaki sa kaniya. “Humarap ka sa akin! At sabihin mo kung sino ka!” Nanginginig man ang kaniyang mga kamay ay dahan-dahan siyang umikot pa harap sa mga armadong hindi niya kilala. “H-hindi ko alam ang pangalan ko,” pagsusungaling wika niya sa mga ito. Halos mapatitig ang mga lalaki sa kaniyang itsura. Tila ba sumasagap sa isipan ng mga ito ang pagiging pulubi ng dalaga. “Ano ulit ang tanong nʼyo?” ani ni Ella. Habang pinaiikot-ikot ng dalaga ang ilang hibla ng buhok gamit ang isang daliri nito. Nakita pa niya ang pagbulong ng lalaki sa kasamahan nito. Tila ba nakukuha niya ang ibig sabihin “Huwag na nating pag-aksayahan nang panahon ang babaeng ʼyan!” ani na nagsalita sa harapan ng dalaga. “Hindi!” bulyaw ng lalaking may hawak ng baril. “sa tingin ko magagamit natin sʼya,” untag nito na tila pinagmamasdan ang makinis na binti ni Ella. Ramdam ng dalaga ang bawat pagkakatitig nito sa kaniya. Habang unti-unting lumalapit sa kaniyang kinaroroonan. Subalit isang liwanag ng sasakyan ang nagpasulo sa kaniyang mga mata. Kasunod nang pagkakataon niya na makatakas at makapagtago sa likod ng isang sasakyan. “Habulin nʼyo!” ani ng lalaking sumigaw sa kaniyang mga kasama. Dahan-dahan naman humiga ang dalaga sa likod ng pick-up na sasakyan para siya ay hindi makita. At saka niya naramdaman ang marahan na pag-usad nito. Kasabay nang pagpikit ng kaniyang mga mata. Na tila hinihila siya ng matinding kaantukan. *** “Mr. Sebastian,” tawag ng driver habang naka-loudspeaker ang cellphone. “Dala ko na po ang lahat ng mga kailangang dokumento.” “Just make sure, na hindi ka magkakamali,” tinig nito sa kabilang linya ng telepono. “Makakaasa po kayo, Mr. Sebastian.” “Thank you, Blake.” kasabay nang pag-off nito ng telepono. Nagising si Ella dahil sa malamig na hampas ng hangin. Ang kaninang madilim na parking area sa isang mall ay napalitan nang maliwanag na kalangitan. Nakikita rin niya ang mga punong kahoy na kumakaway sa kanʼya. Saka siya Dahan-dahan na umupo at sumamdal sa gilid ng sasakyan. “Teka, na saan na nga ba ako? Bakit tila hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito?” tanging tanong niya sa kaniyang sarili na may pagtataka sa kaniyang isipan. Naramdaman niya ang pagtigil ng sasakyan. Ang magandang panahon at sariwang hangin ay bumabagay sa magandang mansyon na kaniyang nakikita. Nagpasya siyang bumaba sa likod ng sasakyan. Subalit malakas na busina ang nagpagulat sa kaniya. “Ay, kabayo!” Hindi na niya namalayan ang pagbaba ng lalaki. Basta ang mahalaga ay makalayo siya sa lugar na hindi pamilyar sa kanʼya. Ngunit sa paglingon niya ay isang kaba ang lumukob sa kaniyang dibdib. Nang mapatitig siya sa lalaking kunot noo itong nakatingin sa kaniya. Tila ba iniisip kung saan nga ba niya ito nakilala o, nakita? “Who are you? And why are you doing here?” he asked, nang mapatitig siya sa gulo nitong mga buhok na sumasangga sa mukha ng dalaga. Na tanging magandang labi lang nito ang kaniyang nakikita. Walang lumabas na kahit anong salita kay Ella. Pakiramdam niya ay isa rin ito sa mga lalaking gusto lang siyang kuhanin at gawan ng masama. “W-wala akong pangalan. N-nalimutan ko!” pagpapanggap nitong ani. “G-gusto mo ba nang tulong?” malumanay na tanong ni Lance. “S-sino ka ba? H-hindi ko kailangan ng tulong mo. Alis! Alis!” mautal-utal na wika at pagtataboy ng dalaga. “Don't worry, handa akong tulungan ka.” “Ayoko nang tulong.” kasabay nang mahigpit na yakap nito sa kaniyang sarili. “But I can help you . . .” Sabay lahad ng kamay nito sa dalaga. Kaba nang dibdib at hindi mapigilan na damdamin ang naramdaman ni Ella. Iniisip niya kung saan lugar nga ba niya ito nakilala. “Nakita ko na sʼya . . . p-pero hindi ko lang matandaan kung saan.” sunod-sunod na pagpukpok ng kamay nito sa kaniyang ulo. Tanging pagkaawa ang nararamdaman ni Lance. Gusto niya itong hawakan. Subalit tila takot ang ipinakikita nito sa kaniya. Akmang magtatanong pa sana siya. Nang kumaripas ito nang takbo sa kaniyang harapan. Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala sa dalaga. “Miss, wait!” malakas na tawag ni Lance. At saka ito bumaling sa kaibigan na si Blake. “Ikaw na muna ang bahala,” ani ni Lance. Nagpasya itong sumakay ng kaniyang sasakyan. Hindi niya alam kung bakit ganoʼn na lamang ang pagkagusto niyang sundan ang dalaga. Tila ba may kung anong hipnotismo ang nagtutulak sa kaniya. “F*ck!” mura niyang sambit at paghampas sa manubela. Subalit nabigo siya nang hindi na niya ito nakita pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD