Chapter 14.

1093 Words
MALAKAS na buhos nang ulan ang sumasabay sa sakit ng nararamdaman ni Lance. Habang mabilis niyang pinatatakbo ang kaniyang sasakyan. “Bakit hanggang ngayon ay nasasaktan, pa rin ako?” tanong niya sa sarili. Halos nakailang hampas na rin si Lance sa kaniyang manibela. Tila ba hindi niya alintana ang malakas na bagsak ng ulan? Inihinto niya sa isang tabi ang kaniyang kotse. Saka niya sinandal ang ulo nito sa headrest ng kaniyang kinauupuan. Dahan-dahan pa niyang hinagod ang kaniyang sintido. Pakiramdam niya ay sumasakit ito, dulot sa hindi niya maiwasang pag-iisip. “Hanggang kailan ko ba maaalala ang babaeng iyon?” wika ni Lance, na nakatitig sa labas ng kaniyang bintana. Hindi niya maunawaan sa kaniyang sarili, na sa dinami-dami ng babaeng kaniyang iisipin ito pa palagi ang kaniyang maaalala. Ang babaeng tanging nagpapangiti sa kanʼya. “Her eyes had the most lovely form, which I will never forget. And her lips, which made me incredibly uneasy.” Hindi ni Lance akalain na masasabi niya ang ganoong mga salita. Sa buong buhay nito ay ngayon lang niya naramdaman, ang sensasyong lumulukob sa kaniyang puso. Ngunit, napawi ang ngiti sa kaniyang mga labi, nang muling bumalik sa kaniyang isipan si Criselle. “Malaking kabayaran ang pagbabalik mo, Criselle!” galit na sambit ni Lance. Kasunod nang pag-start nito ng kaniyang sasakyan. *** “CHRISTOPHER!” malakas na tawag ni Ella. “Bakit hindi ka maghanap ng trabaho, para naman mayroong kang pagkakitaan?” “May trabaho naman ako, ah. Iyon nga lang wala akong sahod na natatanggap.” “Ano?!” sigaw ni Ella. At pagkunot ng noo nito sa kaibigan. “Ang sabi ko may trabaho ako. Ang problema wala lang akong sahod.” “Baliw ka ba? Sinong tanga na tulad mo ang magtatrabaho na walang perang kapalit?” “Eh, ʼdi ako!” pagmamalaking sambit ni Christopher. Sunod-sunod ang pagkuha ni Ella ng mga plastik sa lamesa, na tanging pagbato ang iginaganti nito sa kaniyang kaibigan. “Hoy! Hindi kita empleyado. Kung makapagreklamo ka sa akin ay wagas.” “Kaya naman walang lalaking magkagusto sa ʼyo, dahil sa takot na baka kagatin mo.” Isang pagtawa ang iginanti ni Ella. Kahit kailan ay hindi talaga siya makakaiwas sa pangungutya sa kaniya ni Christoper. Sa isip niya ay napakasʼwerte na ng babaeng mamahalin nito. “Ella, mataas ang pangarap ko sa buhay. Konting panahon na lang at magiging doktor na rin ako balang-araw.” “Wow! Ngayon pa lang binabati na kita. Congratulations.” “Ikaw. wala ka bang pangarap sa buhay?” seryosong tanong ni Christopher. “Sa ngayon. Ito muna ang paglalaanan ko nang panahon. Mahirap mangarap ng mataas. Lalo na sa kalagayan ko ngayon. Kung hindi dahil sa lalaking tumulong sa akin. Eh, ʼdi sana wala ako sa kinatatayuan ko.” Tila napataas ang gilid ng labi ni Christopher. May katanungan siya sa kaniyang isipan. Hindi niya alam, kung bakit ganoon na lang ang inis niya nang marinig ang lalaking binigkas ng dalaga? “At sino naman ang lalaking iyon, Ella?” tanong muli ni Christoper. Humarap si Ella sa kaniya. Kasabay nang paghawak nito sa magkabilang baywang nʼya. “Kahit sabihin ko sa ʼyo, kung sino ang lalaking iyon? Hindi mo pa rin siya makikilala.” “Bakit? May relasyon ba kayong dalawa?” Tanging pagtaas ng kilay lamang ang isinagot ni Ella sa kaibigan. Saka siya mahinang bumulong sa kaniyang sarili. “Oo, sa imahinasyon ko. Lalo naʼt hindi ko akalain na maglalapat ang labi namin sa isaʼt isa.” kinikilig na sambit ni Ella. Habang iniaayos ang ilang paninda nʼya. Matalim naman ang ipinupukol ni Christoper sa kaibigan. Kasunod nang pamamaalam nito kay Ella. “Ella, maiwan na muna kita. Marami pa pala akong dapat gawin sa bahay. Isa pa, kailangan kong mag-self study nalalapit na kasi ang final exam namin.” “Ikaw bahala. Basta huwag kang makalilimot, kapag naging doktor ka na.” “Hinding-hindi, Ella,” wika niya at saka ito nagpasʼyang umalis. Bakas sa mukha ni Christoper ang pagkainis niya sa lalaking nagpapangiti sa dalaga. “Ako lang dapat, Ella walang iba,” aniya ni Christoper sa papalayong paglalakad nito. Habang iniaayos ni Ella ang ilang mga paninda niya. Nasilayan niya si Aling Belen, sa labas ng kaniyang bahay. “Aling Belen,” aniya ni Ella na may pagtataka sa matanda. “Nakaalis na po, si Christopher may gagawin pa raw siya, para sa nalalapit niyang exam.” “Oo, napansin ko siya. Tila nagmamadali sa kaniyang paglalakad.” Napangiti na lang ng bahagya si Ella. “May problema po ba?” tanong ni Ella. Habang pansin niya ang dala ni Aling Belen. “May ipakikiusap sana ako sa ʼyo. Kung maaari ay magtungo ka sa simbahan ng Quiapo, para magtirik ng kandila. Hindi na kasi ako makapunta roon. Alam mo naman na napapagod na rin akong magbyahe kung saan-saan.” “Wala po ʼyon, Aling Belen.” Saka niya hinawakan ang mga kamay ng matanda. Matapos ang pag-uusap nila. Napagpasiyahan ni Ella ang magtungo na sa kaniyang silid. Napagod na rin siya sa buong araw na pagtatrabaho. Kinuha niya ang bath towel at nagtungo sa banyo. Bago pa man niya buksan ang shower. Isang alaala ang sumasagi sa kaniya. “Sino kaya ang lalaking ʼyon? Ilang beses ko na siyang nakakatagpo. Pero, kahit minsan hindi ko man lang nalaman ang pangalan nʼya.” Sa halip na gumamit ng shower si Ella. Mas pinili na lamang niya na punuan ng tubig ang timbang kaniyang nakikita. Makailang sandali ay lumabas na rin siya ng banyo. Isang ternong pantulog ang kaniyang isinuot. Nabili pa niya ito sa Divisorya noong nakaraan na linggo. Ngunit, napansin niya ang malakas na buhos ng ulan, habang natatanaw niya sa nakabukas na bintana. Ang malakas na hampas ng hangin ay tila umaampiyas sa loob ng kaniyang bahay. Dali-dali niya itong tinakbo upang isara ang bintana. Pero, napatigil siya nang maramdaman ang lungkot sa bawat bagsak ng ulan. Ang pag-ugoy ng mga punong sanga nito ay nagbigay nang lungkot sa kaniyang damdamin. Napaiyak siya sa hindi niya maintindihan na pakiramdam. “Sana lang dumating ang panahon na magbago rin ang buhay ko. Nang sa ganoʼn ay magawa ko ang lahat ng mga pinapangarap ko. Pangarap na sana ay matagpuan ko ang hinahanap kong kaligayahan.” Pinalis niya ang luha sa kaniyang pisngi. At saka niya isinara ang bintanang magsasangga sa malakas na ulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD