Chapter 15

1939 Words
MAPAPANSIN sa mukha ni Lance, ang marka ng sugat sa gilid ng kaniyang mga labi. Bakas na tila nagbalik ang bangungot ng kaniyang buhay. Isang alarm clock sa side table ng kama, ang nagpagising sa kaniya. Marahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Dahilan sa sinag ng araw na nagmumula sa nakabukas na bintana. Mabilis naman niyang ini-off ang tumutunog na alarm clock. Ramdam pa rin niya ang hapdi sa gilid ng kaniyang mga labi. Saka siya nagdesisyon na bumangon sa kaniyang kinahihigaan. Subalit, isang pag-vibrate ng telepono ang kaniyang napansin. Kinuha niya ito at laking pagtataka ni Lance, na thirty messages ang kaniyang natanggap. Isang unknown number, na hindi ito pamilyar sa kaniya. “Please — give me a one more chance. And I'll promise that I will fix everything to us.” Iyon ang huling mensahe na natanggap ni Lance. Hindi man ito direktang nagpakilala sa kaniya. Sa isip ng binata ay ang ex-fiance na magpahanggang ngayon ay tila naging masamang alaala nʼya. Ayaw na niyang balikan pa ang nakaraan. Nakaraan na matagal na niyang kinalimutan. Napabuntong-hininga si Lance. Kasunod ng mga salitang kaniyang pinakawalan. “Hindi ang isang tulad mo ang magbabalik ng damdamin ko.” Saka niya tinanggal ang kumot na sumasangga sa kaniyang hubad na katawan. Marahan siyang bumangon. At kinuha ang kalapit niyang bath towel sa wooden rack stand nito. Ramdam pa rin niya ang kirot sa gilid ng kaniyang labi. Matapos ang gabing nangyari sa kaniya, sa isang exclusive bar. “F*ck!” napamura niyang sambit. Habang marahan na dinadampian ng daliri ang kaniyang labi. Nagpasya na siyang magtungo sa banyo, dahil ilang oras na lang ay kailangan na niyang umalis sa hotel. Naiisip pa lang niya ang nangyari kagabi ay umiinit na ang kaniyang ulo. Hindi kasi niya akalain na mapagbibintangan siyang kabit, nang isang babaeng hindi naman niya kilala. Bakit kasi sa dinarami-rami ng kilalang bar na kaniyang pupuntahan ay roon pa siya napadpad? Pero, ang hindi niya lubos maalala ay ang babaeng nagmamarka sa kaniyang isipan. “No!” malakas na sambit ni Lance. Kasabay nang pag-iling nito. “Imposibleng sʼya ʼyon. Hindi ang tulad ng babaeng iyon ang magpupunta sa ganoong bar.” Dadamputin na sana niya ang kaniyang telepono ng mag-ring ito. Mabilis niya itong kinuha at tiningnan ang pangalang naka-registered. Saka niya ito sinagot. “Nico!” Kunot noo niyang sagot sa kaibigan. “L-Lance . . .” mautal-utal na saad ni Nico. “Iʼm sorry, kung pinangunahan kita about kay Criselle.” “Nico, please. Stop calling her name!” “Don't tell me, na mahal mo pa rin sʼya hanggang ngayon. Bakit hindi mo pakinggang ang paliwanag nʼya? Nang sa ganoʼn malaman mo, kung anong reason, bakit ka niya ipinagpalit?” “Are you out of your mind? Hindi pa ba maliwanag sa ʼyo na niloko nila akong dalawa?” “But, she was still in love with you. Mayroon siyang dahilan, Lance. That's why she was so hard to forget about the fact, na iniwan ka nʼya?” “Then tell me, bakit nga ba nʼya ako iniwan, nang babaeng minahal ko noon?” “Lance, matagal na nating kilala si Timothy. At lahat gagawin nʼya masira ka lang.” “Kung hindi sana sʼya naging bulag sa pera. Siguro, hindi sana nangyayari ʼto. Anyway, she has a different taste of love. At hindi ako ʼyon, Nico.” Natahimik si Nico, nang ilang sandali sa kabilang linya ng telepono. Saka ito muling nagsalita. “Kung ano man ang desisyon mo, ikaw ang bahala. By the way, Lance. Where have you been last night? I called you many times, pero hindi mo sinasagot. It's true, na nasa bar ka kagabi. Kung hindi pa tumawag ang butler mo hindi ko pa malalaman na naroroon ka. Are you allright, bro?” “Maliit na sugat lang ʼto.” Natatawa pa niyang sambit sa kaibigan. “Sana tinawag mo ako, para may back up ka.” Halos tawanan sa isaʼt isa ang namutawi sa dalawa. “Be careful next time, bro. Baka sa susunod pagkamalan ka nang magnanakaw ng babae.” “Sana nga ginawa ko ʼyon, para mas makilala ko sʼya.” “Asshole!” aniya ni Nico. Saka nito ini-off ang telepono. Napaismid na lamang si Lance. At nagpasyang magtungo sa bathroom nito. *** TANGHALING tapat na, nang magising si Ella. Suot pa niya ang high heels na hiniram pa nito sa may-ari ng inuupahan niyang bahay. Ang pulang lipstick sa labi nito ay halos matanggal na. Habang dama pa rin ni Ella ang sakit ng kaniyang likod. “Grabe, ang sakit ng likod ko. Kung hindi dahil sa lalaking ʼyon. Hindi sana tatama ang likod ko sa matigas na upuan na ʼyon. Napakaantipatiko!” Sa halip na balingan ni Ella, ang sakit ng kaniyang likod. Marahan niyang itinaas ang kaniyang paa, para tanggalin ang suot niyang black high heels. “Hindi ko akalain na nagsusuot pala nito noon si Aling Belen. Mabuti na lang at maganda pa.” Matapos matanggal ng dalaga ang suot niyang high heels. Hinubad naman niya ang backless red dress nito. Halos mangibabaw ang kaputian ng kaniyang balat. Ang makinis at nakakaakit na hugis ng kaniyang katawan. Sa isip ni Ella, ay hindi maipagkakaila na maganda talaga ang kaniyang katawan. Hindi man niya ito maipagmalaki, ay talagang kahit sinong lalaki ay matutukso sa kaniyang kagandahan? Napasapo ang kamay ni Ella, sa kaniyang ulo. Nang maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang sintido. First time, lang kasi niyang uminom sa ganoong mamahalin na bar, na para sa kaniya ay iyon ang hindi niya malilimutan na karanasan. “Ang sakit ng ulo ko. Ano baʼng alak ang ininom ko kagabi at tila wala na akong maalala? Bakit ba naman kasi pumayag pa ako sa kondisyon ng dalawang bruha na iyon? Hirap talaga kapag pera na ang usapan. Minsan na de-demonyo ang utak ko. Ang hirap naman kasing kitain ang pera. Kung hindi dumating si Christopher, tiyak na may ginawa nang kamanyakan ang lalaking iyon sa akin.” Natigil siya sa kaniyang pag-iisip. Nang marinig niya ang tawag ni Aling Belen. “Ella! Okay ka lang ba? Nag-aalala sa ʼyo si Christopher. Hanggang ngayon kasi ay hindi ka pa lumalabas ng silid mo!” hiyaw ng matanda sa labas ng kʼwarto ni Ella. “Ma-maayos lang po ako, Aling Belen. Sige, po. Mamaya na lang po at magpapahinga po ulit ako nang sandali.” “Ah, ganoon ba? Basta kapag may kailangan ka tumawag ka lang sa akin, hija.” Naramdaman na lamang ni Ella ang pag-alis ng matanda. Saka niya binalikan ang sumasagi sa kaniyang isipan. “Si-sino ba ang lalaking ʼyon? Pakiramdam ko pamilyar talaga sʼya sa akin. Minsan kapag alak mahirap talagang kalabanin. Tapos ang mapapala ko sakit lang ng ulo. Eh, kulang pa ang dalawang libo sa pagpunta ko sa bar na ʼyon.” Dali-daling tumayo si Ella. Kinuha kaagad niya ang tootbrush sa ibabaw ng kaniyang maliit na kabinet. At nagpasyang lumabas ng kaniyang silid. Tanging tuwalya lamang ang sumasangga sa kaniyang hubad na katawan. Saka siya nagmadaling kumuha ng baso, at toothpaste na kaniyang gagamitin. Matapos noon ay naligo kaagad siya, para matanggal ang sakit o, kirot ng kaniyang sintido. Ilang minuto lang siya sa loob ng banyo. Nakapagpalit na rin siya ng above the knee, na blue plain dress na may kaunting disenyo. Dahan-dahan din niyang sinuklay ang may kahabaan niyang buhok. Hanggang sa isang magkakasunod na katok sa pinto ang kaniyang narinig. “Naku, si Aling Belen talaga. Masyadong nag-aalala sa akin. Kaagad niyang binuksan ang pinto. At laking gulat niya nang makita si Christoper. Kasama ang dalawang babaeng nag-alok sa kaniya kagabi. “Christopher! Ba-bakit mo kasama ang mga iyan dito?” gulantang sambit ni Ella. Habang natigil sa pagsusuklay sa kaniyang basang buhok. “Eh, paano hindi kami sasama rʼyan sa lalaking napaka-kill joy? Halos pagbantaan na kami ʼyan” “Bakit mo naman binantaan? Grabe ka, ha?” aniya ni Ella. “Pumasok muna kayo at may buntis.” “Ha? Buntis ka! Sinong ama?” sabay na sambit ng dalawang kaibigan ni Ella. “Baliw! Paano ako mabubuntis, eh? Wala naman bubuntis.” “Kahit kailan ka talaga, Ella. Napakahaba ng dila mo.” “Kayo naman hindi mabiro. Sandali, anong ipinunta niyo rito? Sa pagkakaalam ko wala namna akong atraso.” “Pinilit lang kami nitong Christopher mo, Ella. Ayaw kasi maniwala sa amin na nagkakilala tayo sa Liga ng Barangay noon. Tama ako ʼdi ba.” Palihim na kumindat pa si Yvon sa kaniya. “Oo, maniwala ka Christopher. Mabait ang mga iyan si Yvon at Claire. Sa katunayan nga nagkapera pa ako sa mga ʼyan dati,” ngingiti-ngiting sambit ni Ella. Tumitig naman sa kaniya si Christopher na tila may pagdududa pa. “Bakit kailangan mo pang pumunta sa mamahaling bar na ʼyon. Hindi niyo ba alam na halos kahit mayamang lalaki ay napakadelikado. Paano na lang kung may mangyari sa inyong masama? Kung hindi pa ako dumating, baka mamaya dinala ka na kung saan ng lalaking ʼyon?” “Wow! Ang sweet mo, Christopher. Hindi naman kasi namin akalain na. Sobra kaming malalasing kaya iyon nakatulog kami ni Claire sa Lounge area.” “ Sa susunod kasi huwag niyo nang isasama si Ella, sa lahat ng mga gimik nʼyo.” “Hoy! Christopher. For your information, may pustahan kami ni Ella. At hindi ka kasali roʼn,” inis na wika ni Claire. “Kahit na. Kung hindi ko nabigyan ng leksyon ang lalaking ʼyon kagabi. Baka napahamak na ang kaibigan niyo.” “Pʼwede ba? Tama na ʼyan. Basta sa susunod huwag na lang tayo roon.” “Ano baʼng nangyari, Christoper? At napakademanding mo ngayon,” wika ni Yvon. Bago pa man magsalita si Christopher, ay mabilis na nakasagot si Ella. “Lasing na kasi ako, noong nasa bar counter ako. Tapos may lalaking lumapit sa akin. Ang natatandaan ko naka-long sleeve sʼya na white. Iniinom pa nga ng lalaking iyon ang red wine na hawak niya. Hanggang sa—” Tila napatigil nang sandali si Ella. Nang sumagi sa isipan niya ang binata. “Marahan kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Naramdaman ko na lang pagdampi ng mga daliri niya sa labi ko. Sobrang bilis ng kaba ko. Hanggang sa bigla ko na lang naramdaman ang halik na hindi ko inaasahan.” Napawi ang iniisip ni Ella, nang bigla na lamang siyang magulat. “Hoy! Ella. Kanina pa kami naghihintay nang sasabihin mo. Bakit parang natulala ka na sa kinatatayuan mo? Anong nangyari noong malasing ka?” Napataas ang gilid ng labi ng dalaga sa kaniyang tatlong kaibigan. “Wala na akong maalala. Hanggang ngayon nga iniisip ko ang nangyari sa akin. Iba talaga ang nagagawa ng alak.” Iyon na lamang ang ibinigay na dahilan ni Ella. Batid kasi ni Ella, kung babangitin pa niya ang mga nangyari, ay baka mas lalo lang siyang guluhin ng mga ito. “Ipagluluto ko na lang kayo ng masarap na pinakbet. Para naman makalimutan natin ang mga nangyari kagabi. Kaagad na nagtungo si Ella ng kusina. Subalit, ang mainit na halik na naramdaman niya kagabi ay tila hindi niya kailanman kayang kalimutan. Mga sandaling sa pangalawang halik ng pagkakataon ay muling nanumbalik ang kaba ng kaniyang nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD