Chapter. 2

1395 Words
HALOS magkasugat ang kaniyang mga paa sa pagtakbo. Hinabol kasi siya ng mga ilang lansangang bata na kaniyang nakaaway kanina. Kumakalam na kasi ang kaniyang sikmura. Kaya naman naisipan niyang maghalungkat sa mga tambak na basura na malapit sa isang Restaurant. Hindi na niya alinlangan ang nangangamoy niyang katawan. Nasira na rin ang laylayan ng suot niyang dress. At ang gulo-gulo niyang buhok na hindi man lang niya magawang hawiin sa pagkakasangga nito sa kaniyang mukha. Naupo siya sa isang sidewalk. Habang pinagmamasdan niya ang mga taong dumadaan. Pinagdikit niya ang kaniyang dalawang tuhod. Kasunod nang pagyakap niya dahil sa dampi ng hangin sa kaniyang balat. Naramdaman na lamang niya ang unti-unting pagtulo ng kaniyang mga luha. “Mama... Papa...” Tanging bigkas ng kaniyang bibig habang walang humpay ang pagdaloy ng kaniyang mga luha. Nakaamoy naman siya ng kakaibang pagkain na hindi kalayuan sa kinauupuan niya. Ramdam niya ang hapdi sa kaniyang tiyan. Isang pirasong tinapay lang kasi ang kaniyang nakain. At galing pa iyon sa mga tira-tirang pagkain na kaniyang nakuha. Naisipan niyang tumayo at magtungo sa matandang nagtitinda ng iba't ibang pagkain. May mga sariwang prutas at lugaw na sinamahan ng itlog. May pailan-ilan na rin ang bumibili sa paninda nito. Kaya naman mas lalo siyang natatakam. Marahan siyang naglakad habang bitbit niya ang plastik na may lamang pirasong damit. Nang makalapit na siya sa nagtitinda ay inilahad niya ang kaniyang palad para makahingi ng pagkain. “Maaari po ba akong makahingi kahit konting sabaw? ” wika niya sa matanda. Subalit tila ang magandang ngiti ng matanda ay napalitan nang pagkainis at pagkakunot ng noo nito. Paulit-ulit lang ang salitang binibigkas ni Ella. Natigilan siya nang bigla itong sumigaw sa kaniyang harapan. “Hoy! Umalis ka dito! Nakasasagabal ka sa mga bumibili ng paninda ko!” galit na galit nitong wika kay Ella. “P-pero nagugutom na kasi ako. Kung maaari kahit konti lang.” Pagmamakaawa niya habang nanatili pa rin ang mga kamay niyang nakalahad. “Ang sabi ko umalis ka dito! Alis na bilis! Bago pa kita buhusan ng malamig na tubig!” Walang nagawa si Ella sa matanda. Ang kirot sa bahaging tiyan niya ay marahan nitong dinampian ng kaniyang kamay. Tila ba hindi mawala-wala ang bawat pagsakit nito sa loob. Umupo siya sa may bakanteng wooden chair na may kalapitan sa mga batang naglalaro. Nakararamdam na rin siya nang pagkahilo sa kaniyang sarili. Hindi na niya mapigilan ang sakit. Pinagpapawisan na rin siya sa kaniyang nararamdaman. Marahan ang bawat pagtayo niya. Napahawak siya sa isang poste na kalapit lang ng kaniyang kinauupuan. Ngunit tila hindi niya napigilan ang pag-ikot ng kaniyang paningin. Hanggan sa hindi na niya namalayan ang pagdilim ng kaniyang mga mata. At tuluyan na siyang nawalan ng malay. ________ Tanging puting kisame ang kaniyang nakikita. Nang marahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Bahagya pa kumirot ang sintido ng ulo niya sa hindi nito maipaliwanag na dahilan. Magsasalita na sana siya nang marinig niya ang boses ng isang babae. “Mabuti naman at nagising ka na. Magpasalamat ka at may taong hindi nagdalawang isip na tulungan ka,” malambing nitong wika sa kaniya. Maagap siya nitong inilalayan upang makabangon ng bahagya sa kinahihigaan nito. Nilagyan ang likod niya ng malapad na unan na maaari niyang sandalan. Kasunod nang pag-abot nito ng pagkain sa kaniya. “Kumain ka ng marami para magkaroon ng laman ang tiyan mo. At sa palagay ko kaya ka nawalan ng malay ay dahil sa gutom mong nararamdaman. Kaya dapat sa susunod huwag ka nang magpapalipas ng gutom,” wika ng isang nurse sa kaniyang harapan. “Naku! S-Salamat...”mautal-utal niyang sambit. “Hindi ka dapat sa akin nagpapasalamat. Doon ka magpasalamat sa taong tumulong sa'yo. Mabuti na nga lang at siya ang nakakita sa'yo. Mahilig kasi silang tumulong sa mga bata. Lalo na kapag ganitong araw. Karamihan sa kanila ay ang una nilang pinupuntahan ay ang park. Na kung saan mas maraming batang lansangan silang natutulungan.” “Ibig mo ba'ng sabihin na—” Napatigil si Ella sa pagsasalita nang biglang magbukas ang pintuan sa kaniyang harapan. “Dr. Mariano...” wika ng nurse nang bumaling ito sa may pinto. “Kamusta na ang lagay ng pasyente?” tanong nito. “Sa ngayon, maayos na po ang lagay niya. Na check ko na rin po ang kaniyang Blood pressure. At wala naman po problema.” “Okay, makaaalis ka na at ako na ang bahala sa kaniya.” “Sige po Dr. Mariano.” Kaagad naman nakalabas ng silid ang nurse. Habang may pagtataka sa mukha ni Ella. Marami pa kasi siyang katungan. At iyon ay kung sino ang nagdala sa kaniya. Kaya naman utang na loob niya ito kung sino ang nagdala sa kaniya sa ospital. Muling napabaling ang tingin niya sa lalaking kanina ay kausap ng nurse. Inaayos nito ang kaniyang dextrose sa pinagsasabitan nito. Sa halip na magtanong ay itinuon na lamang niya ang pansin sa pagkaing nakahanda. Nakakaisang subo pa lang siya sa pagkain nang magsalita ito sa kaniyang harapan. “Bukas na bukas ay maari ka na makalabas dito sa ospital. Sa palagay ko naman ay maayos na ang kalagayan mo,”nakangiti nitong wika sa kaniya. “A-ah, ganoon po ba. Maraming salamat po sa tulong po ninyo sa akin. P-Pero may problema po kasi ako,” mautal-utal na sambit ni Ella. Hindi kasi niya alam kung paano niya ipapaliwanag na wala siyang pambayad sa ospital. “ Iniisip ko po kasi ang pangbayad ko dito sa—” Natigilan siya nang magsalita muli ito sa kaniya. “Kung iyon ang iniisip mo. Don't you worry, sila na ang bahala sa hospital bill mo.” “S-Sino? Maaari ko po ba'ng malaman?” “Hindi ko na kailangang sabihin kung sino pa sila. Ang mahalaga ay maayos na ang kalagayan mo. Oh, sige maiwan na muna kita. Marami pa akong kailangang bisitahin na pasyente.” Tanging pagkasilay na ngiti ang iginiwad ni Dr. Mariano sa kaniya. Saka ito nagpasyang lumabas ng kaniyang silid. ____ Makalipas ang ilang sandali. Marahan niyang inilapag ang pinaglagyan ng kaniyang pagkain sa side table ng kinahihigaan niya. Ramdam niya na kailangan niyang magtungo sa banyo upang ilabas ang kaniyang nararamdaman. Dahan-dahan ang kaniyang paggalaw. Inilapat niya ang kaniyang mga paa sa sahig. Ang malamig na kinatatapakan niya ay nagdala ng kakaibang pakiramdam. Hinawakan niya ang kinalalagyan ng kaniyang dextrose at saka nagtungo sa loob ng banyo. Pagpasok pa lang niya ay bumungad sa kaniya ang malaking salamin. Nakikita nito ang kabuuang katawan niya. Ang magulo niyang buhok noon ay pawang nag-iba. Mas lalong nasilayan ang maganda niyang mukha. Ang dating mabaho na suot niyang damit ay napalitan. Naupo siya sa cubicle at marahan niyang itinaas ang suot niyang hospital gown. Sa kanang bahagi naman ay nakahawak ang kamay niya sa pinagsasabitan ng kaniyang dextrose na nagsisilbing alalay niya upang hindi siya matumba. Bago pa man siya makalabas ng banyo ay narinig na niya ang pagbukas ng pintuan sa kaniyang silid. Pinihit niya unti-unti ang doorlock ng pintuan nito at laking gulat niya nang masilayan niya ang pamilyar ng isang lalaki. Nakatalikod ito sa kaniya habang kausap ang isang nurse na kanina lang nagdala ng pagkain sa kaniya. Ang malapad nitong likod at ma-muscle nitong braso ang kaniyang napagmamasdan. Napakunot ang noo niya. Hindi kasi niya maalala kung saan nga ba niya ito nakilala. Ngunit batid niya na pamilyar sa kaniya ang lalaki. Napakagat labi siya habang binabaybay niya ang tingin sa makisig nitong pangangatawan. Natuon ang mga mata niya sa braso nitong suot ang magandang relo. At ang manggas nitong nakatiklop hanggang siko na nagpalitaw sa makisig nitong pananamit. Akmang lalabas na sana siya nang biglang bumaling ito sa kaniyang harapan. Kasabay nang mabilis niyang pagsarado ng pintuan. Nahihiya siya sa hindi malamang kaba sa kaniyang puso. Ang bilis nang pintig nito na tanging malalim na paghinga ang kaniyang ginawa. Napahawak siya sa sink na kalapit lang ng malapad na salamin. Binuksan niya ang gripo at nagpasyang maghugas na lamang ng kamay. Ang lamig ng aircon nito sa loob ay doble sa tinitibok ng kaniyang puso. Malakas na tila musikang tinatambol at sumasabay sa kung anong ritmo nito. Napapikit ang kaniyang mga mata. Habang isang bulong sa sarili ang kaniyang pinakawalan. “Sana lang huminto na ang kaba sa puso ko, dahil hindi ko kakayanin itong nararamdaman ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD