ISANG tawag ang natanggap ni Lance Sebastian sa bahay ampunan. Kailangan kasi niyang dumalo sa gaganaping feeding program para sa mga bata. At isa sa mga napili nila ay ang parke na kalapit lang ng Quiapo Church. Mas maraming bata kasi ang madalas na nagpupunta roon. Iyong iba isinasama pa nila sa ampunan upang doon mabigyan ng mas magandang pangangalaga. Ang iba naman ay may mga magulang pa kaya minsan hindi na nila mahikayat na sumama. Natutuwa siya lalo na kung maraming bata ang kaniyang nakikita. Iyon naman talaga ang pangarap niya. Ang bumuo ng pamilya pagdating ng araw. Ngunit tila hindi iyon mangyayari lalo na kung may pagkaistrikto ang kaniyang pag-uugali. Dati na siyang nagkaroon ng minamahal ngunit tila niloko lang siya at ipinagpalit sa iba. Mas naaaliw pa siya sa mga babaeng minsan ay pampalipas lang niya ng oras. Ini-off niya ang kaniyang laptop. Saka siya nagdesisyong lumabas ng kaniyang opisina. Kasabay nang pagkuha niya sa cellphone mula sa kaniyang bulsa. Nag-dial siya ng numero at tinawagan ang kaniyang kaibigan na si Nico.
“I'm sorry, Bro. Hindi ako makakarating dahil may kailangan akong unahin sa ngayon. Tumawag kasi si Sister Ara. At kailangan kong pumunta para sa feeding program ngayon.”
“It's okay, Ako na ang bahala dito sa Bar. And by the way, nasabi ko na rin kay Sebastian ang lahat ng details. Ulitin mo na lang kapag nagkita kayo.”
“Okay, Bro. Thank you.” Mabilis naman ini-off ni Lance ang kaniyang cellphone. At pinatunog nito ang kaniyang sasakyan gamit ang car key remote na kaniyang hawak. Binuksan niya ang pinto nito at saka siya sumakay sa kaniyang Blue Ford Ranger Raptor. Mas malimit niya itong gamit kumpara sa mga ibang sasakyan niya.
Ilang sandali pa ay narating na niya ang park kung saan nandoon ang mga madre. Tanaw na niya sa 'di kalayuan sina Sister Ara at ang ibang kasama nito. Abala ang mga ito sa pagsasaayos para sa mga batang mabibigyan ng feeding program nila. Sumasabay rin ang init ng panahon. Kaya naman napagdesisyunan niyang isuot ang black sunglasses nito. Pagbaba pa lang niya ay hindi na magkaintindihan ang ilan sa mga kababaihan na naroroon. Marami rin taong nagkukumpulan at 'yong iba nag-uusisa lang. Naririnig pa niya ang bulungan ng iba.
“Naku! Kilala ko iyan. Isa sa mga nabibilang na bilyonaryo. Balita ko nga iba't ibang kumpanya ang pag-aari 'yan,” wika ng isang babaeng mapag-usisa.
“Halata naman sa kilos. Tingnan mo nga napaka-g'wapo. Naku, kung iyan ang mapapangasawa ng anak ko. Napaka-s'werte ko na! Ang alam ko wala pa iyan asawa balita ko nga sa mga news, eh!”
“Oo, s'werte talaga ang babae na magigising asawa niya.”
Batid man ang mga narinig ni Lance ay ipinagsawalang bahala na lang niya ito. Inilagay niya sa kaniyang bulsa ang dalawa nitong mga kamay. Kasunod nang pagtungo niya sa kinaroroonan ni Sister Ara. Suot niya ang blue fitted long sleeve polo na itinupi niya hanggan siko. Ang malapad at ma-muscle nitong dibdib na nakapagpadagdag lalo ng karisma nito.
“Hello, Sister Ara.”
“Hijo, akala ko ay hindi ka na makadarating. Mabuti at pinaunlakan mo ang aming hiling sa'yo.”
“Anytime, Sister Ara. Basta para sa mga bata pupunta ako,”tanging ngiting wika ni Lance.
“Maraming salamat sa lahat nang naitulong mo. Hindi namin alam kung papaano kami magpapasalamat pa sa'yo.”
“Isa ang mga orphanage sa una namin tutulungan. And beside, hindi lang naman ako ang maaari ninyong tawagan.”
“Ah, ganoon ba,” wika ni Sister Ara. Habang abala sa pagkuha ng ilan sa mga pagkaing dala nila. “Wala talaga kayong pinagkaiba ni Sebastian. Kahit noon pa ay mahilig na kayong tumulong sa amin. Kaya nga na miss ko na ang batang iyon. Sandali bakit hindi mo siya kasama?” baling nitong tanong kay Lance.
“Nasa Hongkong siya ngayon, Sister. May mga investors rin na kailangan namin matapos ngayong buwan.”
“Ganoon ba. Basta sabihin mo magpahinga rin paminsan-minsan,” tanging bulaslas ni Sister Ara.
“Okay, Sister. May mga tauhan akong ipinadala para mas mapadali ang pamimigay ng mga feeding sa kanila. Sila na ang bahalang mag-asikaso ng lahat. Nang hindi kayo nahihirapan.”
“Naku, salamat talaga sa'yo.” bahagyang napataas ang kamay ni Sister Ara at pagturo nito sa dibdib ni Lance. Habang isang kataga na salita ang lumabas sa bibig nito. “Hijo, wala ka pa ba'ng napupusuan? Bakit hindi ka pa mag-asawa nang sa ganoon ay lumawak ang ngiti sa mga labi mo? Ikaw rin at baka mapag-iwanan ka sa panahon!”
“Ahmm... Sister Ara. Mahirap makatagpo ng babaeng ikaw ang pipiliin. Kalimitan sa kanila ay materyal na bagay lang ang hinahangad nila sa isang lalaki.”
“Ikaw talaga, hijo. Huwag ka magsalita ng tapos, dahil hindi mo alam ang ikot ng mundo. Malay mo nand'yan lang siya sa paligid at naghihintay lang para sa'yo.”
Napakibit balikat lang siya sa mga sinabi ng madre sa kaniya. Sa katunayan ay wala pa sa isip niya ang mag-asawa. Lalo na ang magpatali sa isang relasyon. Para sa kaniya ay pare-pareho lang ang mga babae. Sa una lang sila magaling magpaibig ng lalaki. Ngunit kapag nakahanap na sila ay iiwan ka na lang at papalitan ng hindi nalalaman. Iyon ang tanging sumisiksik sa kaniyang isipan. Kinuha na rin niya ang ilang mga nakabalot na pagkain. At isa-isa niya itong ibinahagi sa mga batang nakapila sa kanilang harapan. Tanging pagkakangiti ang sumisilay sa kaniyang mga labi. Ang bawat tuwa ng mga bata ay hindi matutumbasan nang kahit anong materyal na bagay. At iyon ang nagpapagaan sa kaniyang puso. Sa 'di kalayuan ay napansin niya ang babaeng tila pamilyar sa kaniya. Hindi lang niya matandaan kung saan niya ito nakita. Tanaw niya ang paghawak ng babae sa poste kalapit lang nito. Bahagyang napahakbang ang kaniyang mga paa nang bigla niyang nakita ang pagkawalan ng balanse ng babae. Mabilis niyang nailapag ang pagkain na hawak niya. Saka nito binalingan ng tingin si Sister Ara.
“Sister, call the ambulance as soon as possible,” tugon niya. Sabay hawak sa balikat ni Sister Ara.
Akmang magtatanong ang madre sa kaniya. Nang mabilis nitong tinakbo ang kinaroroonan ng babae. Muli siyang napalingon sa madre na halong may pagtataka sa mukha. Kaya naman isang malakas na sigaw ang kaniyang pinakawalan.
“Please, Sister Ara. We need to help her!” malakas na tinig ni Lance.
Hindi naman magkaintindihan si Sister Ara kung ano ba ang una niyang gagawin. Kahit siya ay natataranta na. Mangatal-ngatal ang mga kamay niyang kinuha sa bag ang kaniyang cellphone. At tinawag ang isa sa mga security na kaniyang natatanaw. Ilang minuto rin naghintay ang mga madre. Habang tumatama sa kanila ang tindi ng sikat ng araw.
“Sister Ara, nandito na ang ambulansya,” wika ng isang madre.
“Sige, hayaan na natin si Mr. Lance Sebastian ang magdala sa kaniya.”
“Naku! Napakabait naman ni Sir. Kung sa iba-iba ay tiyak na hindi tutulungan ang isang tulad niya.”
“Mabait lang talaga ang batang iyan. Oh, halika na at marami pa ang natitirang pagkain,” tanging wika ni Sister Ara. At nagpasyang unahin ang mga batang nakapila.
Napasapo na lang si Lance sa kaniyang noo. Nang hindi niya alam kung paano nga ba niya bubuhatin ang babae. Pinagmamasdan niya ito dahil sa suot nitong damit na halos mapunit na. May pagtataka man siya sa isipan ay binalewala na lamang niya iyon. Sa hindi sinasadya ay napabaling ang tingin niya sa makinis nitong hita. Nahawi kasi ito dahil sa pagkakatumba ng babae. Pinagmasdan rin niya ang magugulo nitong buhok na halos hindi na makita ang maputi nitong mukha. Marami rin itong galos sa ibang parte ng mga braso nito. May pagkaawa ang bumugso sa kaniyang damdamin. Tila ba hindi lang pagkaawa ang kaniyang nararamdaman. Isang kirot at maraming tanong sa kaniyang isipan.
“Who are you? Bakit ang isang tulad mo ay humantong sa ganitong sitwasyon?” panghihinayang niyang wika sa babaeng walang kamalay-malay.
Pigil hininga niya itong binuhat dahil sa hindi kaaya-aya na kaniyang naaamoy sa dalaga. Habang natatanaw niya ang Ambulansya sa hindi naman kalayuan sa kanilang dalawa. Marahan niya itong inihiga sa medical bed bago pa ito ipinasok sa loob ng Ambulansya. Saka siya nagpasyang iwanan ito at magtungo sa kaniyang sasakyan. Hindi niya alam kung bakit gano'n na lamang ang kaba ng dibdib n'ya. Gusto niyang makasigurado kung ligtas ba itong makararating sa Ospital.
***
MAKALIPAS ang ilang oras na paghihintay sa Ospital ay muling sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. Tila ba kusang sumusunod sa bawat utos ng kaniyang isip. Natigilan na lang siya nang lumapit sa kaniya ang isang nurse.
“Mr. Lance Sebastian. Sa palagay ko po ay maayos na ang kalagayan ng babae. Hindi lang niya kinaya pagkagutom nito kaya siya nawalan ng malay,” pagpapaliwanag ng Nurse.
“Mabuti kung gano'n. Ako na lang bahala sa lahat. Just make sure, na maayos na ang kalagayan n'ya.”
“Makakaasa po kayo, Sir.” Sabay alis nito sa kaniyang harapan.
Unang pasok pa lang niya sa silid ng babae ay pansin na niya ito sa loob ng banyo. Nagtaka pa siya dahil bigla na lang nitong isinara ang pintuan. Naisip niya siguro na ayaw nitong may ibang taong nakikita. Tanging buntong-hininga na lang ang kaniyang pinakawalan. Pakiramdam niya ay unti-unting sumisikip ang kaniyang dibdib. Matapos niyang makipag-usap sa nurse ay nagpasya na siyang umalis at iwanan ang babae. Kibit balikat na lang niyang tinapunan muli nang tingin ang banyo. Saka siya lumabas ng silid nito.
“I hope we will meet again,” bulong na lamang niya sa kaniyang sarili.