Chapter.1 The beggining

2369 Words
“Hoy! Babae! Saan ka na naman pupunta, ha! Hindi ba ang sabi ko sa'yo na dito ka lang! Alam mo naman na ang daming dapat gawin sa bahay. May paglalayas ka pang nalalaman! Maldita ka talaga kahit kailan!” pag-sigaw ng matandang babae sa kaniya habang hawak nito ang kanang bahagi ng tenga niya na halos mamula na sa pagkaka-pingot nito. “A—aray po ang sakit! Tama na po!” tanging wika ni Ella sa matanda na halos mapaangat naman ang kaniyang dalawang paa sa pagkaladkad sa kaniya. “Ah! Nasasaktan ka, pero hindi mo man lang naisip na napaka-dami mong dapat gawin sa loob ng bahay at mas inuuna mo pa ang paglalayas kaysa tulungan mo ako dito! Ha!” wika ni Aling Nora habang hindi tinitigilan ang pagkaladkad sa kaniya. “Pakiusap, tama na po!” pagmamakaawa ni Ella. Umalis lang naman po ako saglit dahil kailangan 'kong kumita kahit paano,” ani nito habang malungkot at halos namumula na ang tenga niya sa pagkakahawak ng matanda. “Ano kumita ka! Para sa ano? Pang-gastos sa lahat ng mga luho mo! Gano'n ba!” “Wala na po kasi tayong makain kaya naman nagbaka-sakali po akong maglaba sa kabilang Barangay natin,” mangiyak-ngiyak niyang wika sa harapan nito. “Kahit ano pang sabihin mo! Hindi ako maniniwala sa'yo Ella! Maraming mga taong nagsasabi sa akin na puro na lang lalaki ang kasama mo! Tapos sasabihin mo na naglalaba ka para sa pagkain natin dito! Alam mo napapagod na ako sa pagdidisiplina nang pag-uugali mo!” halos manggigil sa galit ang matanda sa kaniya kaya naman isang matigas na bagay ang naramdaman niya sa kaniyang ulo. Napahawak siya dahil sa sakit na kaniyang naramdaman. “A—aray!” tanging pagkagulat niya habang naramdaman na lamang nito ang pag-agos ng kaunting dugo mula sa kaniyang ulo. “Iyan ang nababagay sa'yong babae ka! Hindi ka na nagtanda! Masyado ka kasing layas! Kung hindi lang ako napapayag na kupkupin ka, baka nasa kangkungan ka na ngayon! Dapat lang 'yan sa'yo para sa susunod hindi ka na nagpupunta kung saan-saan, naiintindihan mo!” “Aling Nora, ginagawa ko lamang 'yon para kahit paano ay makatulong po ako sa paghahanap buhay niyo,” wika na lamang niya habang pinupunasan ng kaniyang palad ang mga dugong unti-unting tumutulo sa ulo niya. “Wala akong pakialam sa mga katwiran mo Ella dahil magpahanggang ngayon ikaw pa rin ang may kasalanan kung bakit namatay ang mga magulang mo! Masyado ka pinamihasa ng mga magulang mo kaya lumaki ka nang matigas ang ulo mo!” “Aksidente lang ang lahat, kung alam ko lang na mapapahamak sila ng dahil sa akin hindi na sana ako nagpunta sa sakahan.” "Magtigil ka! Kulang pa ang pera sa pag-aalaga ko sa'yo! Sa lakas mo ba'ng kumain sa palagay mo may pera ka pa na matitira! Gaano na lang ang naiwan ng mga magulang mo! Na halos ako ang nagbayad ng ibang pinagkakautangan nila sa halip na sa'kin lang ang kakainin ko pabigat ka pa sa mga problema ko! Ang paglalaba mo at pagtitinda mo hindi nito matutumbasan ang lahat nang sakripisyo ko sa'yo at sa lahat nang nagastos ko sayo noon. Na magpa-hanggang ngayon palamon pa rin kita dito sa pamamahay ko!” “Huwag po kayong mag-alala lahat po 'yon babayaran ko,” wika ni Ella at walang himpis na patak ng luha mula sa kaniyang mga mata. “Babayaran, bakit sa tingin mo! Mababayaran mo ng gano'n kadali lang, hindi!” bulyaw nito sa kaniya habang lahat ng mga kapitbahay ay halos pagtinginan na silang dalawa sa lakas nang tinig ng matanda sa kaniya. “Kung gusto mong makabayad. Lumayas ka dito sa pamamahay ko at huwag ka nang magpapakita pa sa akin kahit kailan! Naiintindihan mo ba!” tanging giit nito sa kaniya. Ngunit sa pagkakataon na 'yon ay mabilis na itinapon sa kaniyang harapan ang ilang pirasong damit na halos madumihan na ito habang iwinawaksi ng matanda sa labas ng kanilang bahay. “Aling Nora, tama na. Wala po akong ibang matutuluyan,” pagmamakaawa ni Ella habang isa-isa nitong dinadampot ang mga damit niya sa labas ng bahay. “Hindi ko na problema kung wala ka nang matitirahan! Bahala ka na sa buhay mo at mula ngayon ayoko nang makita pa ang pagmumukha mo! Sige lumayas ka na at huwag na huwag ka nang magkakamaling bumalik dito sa pamamahay ko kung ayaw mong lumapat sa mukha mo ang malapad 'kong palad!” Walang siyang nagawa kung hindi ang umalis sa bahay nito. Ngunit ang mga luha dumadaloy sa kaniya ay hindi nito kayang pigilan. Bitbit nag mga damit na tila isa siyang basura at walang nagawa. “Bakit ba ako nagkaka-ganito? Bakit ako ang sobrang nasasaktan? Bakit niyo ako iniwan? Bakit hindi na lang ako ang nawala? Bakit kayo pa?” sunod-sunod nakatanungan sa kaniyang kaisipan. Marahan niyang binabagtas ang daan na habang yakap ang ilang pirasong damit na itinapon sa kaniya ni Aling Nora. “Hindi niya alam, kung saan at anong tatahakin niya sa panibagong hamon ng kaniyang buhay. Wala man lang siya kilalang taong maaaring tumulong sa kaniya. Kahit may mga kapitbahay siya ay hindi magawang tumulong ng mga ito sa kaniya. Pare-pareho lang rin naman ang kanilang sitwasyon kung hindi ang maghanap buhay. Walang pagkain sa maghapon at kailangang kumita para may makain sa pang-araw-araw na na buhay. Katulad niya na nakatira sa isang masikip at pinagdikit-dikit na bahay. Na kung tawagin ay iskwater. Maingay ang mga tao at makikita mo ang mga tambay sa labas na tanging sigarilyo at mga alak sa tabi ang iyong makikita. May mga naglalaro ng bingo o, 'di kaya naman ay nagsusugal. Ilan lang 'yon sa mga nakagawian na niyang makita na halos araw-araw. Nakasanayan na rin niya ang pagtira kay Aling Nora, kahit na may pagka-alergy ito sa kaniya. Kailangan niyang magtiis lalo na't wala naman siyang ibang mapupuntahan. Ngunit dahil nga sa mga bagay na hindi nila napapagkasunduan ay dumating sa punto na kailangan siya nitong palayasin. “Habang tinatahak ko ang masikip na daan palayo sa bahay namin ay isang tinig ng kalalakihan ang aking narinig.” “Hoy! Ella,” tawag nito sa kaniya. “Saan ka naman pupunta at pagkarami-rami mo naman na dala. Labahin mo ba 'yan,” wika ng isang lalaki habang hithit nito ang sigarilyo sa bibig. “Ah! Naku, hindi pinalayas na ako ni Aling Nora masyado raw kasi akong pasaway,” pagbibiro niyang untag. “Sabi ko naman sa'yo nasa akin ka na lang tumira pero ayaw mo. Pagsisilbihan naman kita, basta ba pagsisilbihan mo rin ako gabi-gabi.” “P'wede ba! Kung wala ka naman magandang sasabihin. Huwag ka na lang magsalita! Isa pa hindi ko tipo ang mga kagaya mo,” wika ni Ella kasabay nang pag-irap ng kaniyang mga mata. “Ewan ko ba sa'yo! Kung ayaw mo hindi naman kita para pipilitin,”ganting sagot nito na halos tawanan ang namutawi sa mga kalalakihang malapit lamang sa kaniya. Gano'n pa man kahit na may pagka-makulit ito sa kaniya ay hindi naman siya ng mga ito kayang saktan o, pagtangkaan. Ang mga ito pa minsan ang tumutulong sa kaniya kapag may kadiliman na siya umuwi minsan. Dinaig pa nga niya ang may kapatid at kaibigan. 'yon nga lamang mahilig talaga siya ng mga ito lokohin at biruin. “Kahit kailan, hindi na talaga nagbago ang mga lalaki dito. Kung taga-dito lang ang mapapangasawa ko siguradong sira ang buhay ko,” tanging bulong na lamang niya sa kaniyang sarili. Ilang sandali pa ay narating na rin niya ang simbahan ng Quiapo Church. Napapadaing siya dahil nammaga na ang kaniyang mga paa dahil sa layo rin ng kaniyang nilakad. “Nakakapagod talagang maglakad ang sakit na ng mga paa ko.” Tinungo niya sa 'di kalayuan ang pintuan ng isang simbahan. Habang bitbit niya ang ilang pirasong damit na nakalagay sa isang supot. Suot naman niya ang paldang halos hangang binti na niya ang malaking t-shirt na damit nito. May kagandahan si Ella at may maamong mukha at kung titigan ay kahit sinong lalaki ay mapapaibig sa kaniya. Ngunit dahil sa mahaba at gulo-gulo nitong buhok ay halos hindi na makita at makilala pa ang kaniyang itsura. Ilang hiblang sumasangga sa harapan ng kaniyang mukha. Umupo siya sa bandang unahan ng simbahan habang pinaka-titigan niya ang mga imahe nito sa kaniyang harapan. Humugot siya nang malalim na paghinga at kasunod nang salitang nanggaling sa kaniyang bibig. “Lord, bakit ko po ba ito nararanasan? Gaano po ba kalaki ang lahat ng aking kasalanan? Ginagawa ko naman po ang lahat pero bakit hindi ko pa rin makamtan ang katahimikan,” tanong ni Ella habang nakaluhod sa harap ng altar. Kasabay ng mga luhang pumapatak mula sa kaniyang mga mata. Isang malalakas na tinig ang kaniyang iniiyak sa loob ng simbahan. “Hangang kailan ba ako magiging ganito! May kulang pa ba sa lahat ng mga ginagawa ko!” paulit-ulit niyang tanong. Ngunit dahil sa malakas niyang pagsigaw sa loob ng simbahan ay isang lalaki ang umagaw sa kaniyang atensyon. __________________ “Mr.Lance Sebastian. How are you? Kailan ka pa dumating ang sabi ni Mr. Alejandro, sa makalawa pa ang bisita mo dito,” ngiting wika ng isang Pari sa loob ng isang simbahan. “Nagbago po kasi ang isip ko. Hindi ko alam kung bakit? Siguro dahil sa mga batang tinutulungan rin ni Alejandro. Alam niyo naman na nakasanayan na naming tumulong lalo na't wala silang kakayahang makapag-aral.” “Maraming salamat sa'yo, Mr.Lance Sebastian lalo na kay Mr.Alejandro Sebastian kung hindi dahil rin sa kaniya ay baka hanggang ngayon ay walang tutupad sa mga pangarap nila. Isa pa nakausap ko na rin ang isang Madre sa Batangas at alam 'kong kilala siya ng pinsan mo,” wika ng Pari sa kaniya. “I know that father. Alejandro is one of the owners of an orphanage in Batangas.” “Hindi talaga kami nagsisi na isa po kayo sa mga tumulong sa kanila at hanggang ngayon ay patuloy kayong tumutulong. Sige, maiwan muna kita dito at kailangan ko nang paghandaan ang susunod na misa para mamaya. Thank you again Mr.Lance Sebastian, I hope na mas marami ka pang matulungan bukod sa amin,” ngiting wika nito kay Lance. “Your welcome father. Huwag po kayong mag-alala tutulong at tutulong kami ni ale—” napatigil ang sasabihin niya nang marinig niya ang isang malakas na tinig sa loob nito. Minabuti na rin niyang magpaalam sa Pari. Makikita niya ang isang babaeng halos nakaluhod na ito sa may bandang harapan ng altar at patuloy ang pag-iyak nito sa harapan. “Bakit? Bakit hindi n'yo po ako tulungan? Bakit hinahayaan n'yo po akong mapahamak? Napapagod na po ako!” bigkas na tanong ni Ella. Tanging naririnig ni Lance sa 'di kalayuan sa kaniya ang babaeng halos magmakaawa sa altar. Habang unti-unti siyang lumalapit sa babaeng umiiyak na halos isisi ang lahat nang pasakit niya sa harapan nito. Naupo siya sa kalapit nitong upuan habang pinakatitigan ang babaeng nakatingala sa unahan. Pansin rin niya ang mahaba nitong damit na halos may kalumaan na. Habang isang supot ng plastik ang nakabitin sa maliit na braso nito. “You shouldn't blame god for why you're having a hard time. Sometimes, we have a hard time because of what we do ourselves,” wika ni Lance sa malakas na tinig niya sa babae. Halos mapatigil naman sa pag-iyak si Ella nang marinig niya ang isang baritonong boses mula sa kaniyang likuran. Ngunit sa kaniyang pagharap ay isang ngiti nito ang sumilay sa kaniya. “Are you done?” tanong nito. “Nailabas mo ba ang lahat nang saloobin mo sa harap ng altar,” wika ni Lance sa kaniya. Subalit sa pagkakataon na iyon ay isang masamang tingin ang iginawad niya sa lalaki kasabay nang salitang binitawan niya sa harapan nito. “Sino ka ba?” mataray niyang tanong. “Bakit may pag-english ka pa na nalalaman? P'wede ka naman magtagalog! Tsk! At huwag mo nga akong pakialaman! Iiyak ako hanggang gusto ko! Dahil kung totoong mahal niya ako dapat hindi niya hinahayaang masaktan ako,” malungkot niyang wika sa lalaki. Kasabay nang pagturo ni Ella sa imahe ng altar. “Wala naman akong masamang sinabi,” sagot niya sa babae. “Okay, hindi na ako mag-english dahil baka nga hindi mo ako maintindihan. Subalit ang sisihin mo ang diyos. Iyon ang mali siguro.” “Ano ba'ng alam mo sa buhay ko? Ha!” wika ni Ella sa matapang niyang tanong. “Huwag mo nga akong ngitian,”untag niyang muli. Marahan siyang tumayo at patakbo siyang umalis patungo sa labas ng simbahan. Ngunit bago pa man diya makarating sa labas nito ay isang kamay ang humawak sa kaniyang braso na ikinatigil niya upang siya ay pigilan ng lalaki. “I'm sorry, kung may nasabi akong hindi mo nagustuhan. Gusto mo ba'ng tulungan kita,” pakikiusap ni Lance sa dalaga. “Tulungan! Pare-pareho lang naman kayo mag-aalok nang tulong pero kapag napagod na. Madali n'yo nang isisi sa huli. Alam mo h'wag ka nang mangahas na tulungan ako dahil sa mga katulad mo na lalaki. Sigurado akong may kapalit ang pagtulong mo! Kaya bitawan mo nga ako!” “Wala akong magagawa kung ayaw mo pero para rin ito sa ikakabuti mo. Tingnan mo nga ang sarili mo parang hindi ka man lang marunong maligo,” pagbibirong wika ni Lance at pagtakip ng ilong ang ginawa nito sa harapan niya. “Bitawan mo ako! Ano ba'ng pakialam mo kung isang linggo at ilang buwan pa ako hindi maligo? Katawan ko ito at hindi sa'yo!” “Fine, ang sa akin lang naman ay matulungan ka. Iyon lang, promise,” taas kamay ni lance sa kaniya at pagtitig sa gulo-gulo niyang buhok. Sa halip na magsalita si Ella ay mabilis siyang nakatakbo palabas ng simbahan. “Tsk. Bakit ba ang daming taong mapagsamantala? Ayoko nang bumalik pa kay Aling Nora. Mas makabubuting dito na lang ako sa lansangan. Atlis walang kahit sinong mangingialam sa akin. Higit sa lahat malayo sa pasakit ng katawan at hindi pa ako masasaktan,”wika na lamang niya sa kaniyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD