001
Courtney Mercado
"Ayan na! Bilisan niyo namang mag-retouch! Nariyan na si Mr. Ravenzy sa VIP Room 1! Pag nag-inarte kayo, itatapon ko kayo sa labas!"
Gusto ko na lang takpan ang dalawa kong tenga dahil halos matanggal ang litid sa leeg ni Mama G habang sumisigaw sa loob ng dressing room.
Ang apat na babaeng kasabay ko naman? Shocks, kulang na lang maligo sila sa mamahaling pabango habang halos iluwa na ang mga dibdib sa suot nilang bodycon dress.
Todo kabog ang mga dibdib nila, e akala naman nila may panama yang dibdib nila sa ganda ko? Charez!
For sure hoping and praying na yan sila n mapili ng kung sinong big shot na dumating ngayong gabi.
I just rolled my eyes nalang dahil naaalibadbaran ako sa ingay nila. Humarap nalang ako samalaking salamin, para mag lagay ng lipstick sa labi ko.
Tiningnan ko ang paligid ng Illumina Luxury Lounge after kong tignan ang sarili sa salamin. Kung tutuusin, ito ang pinakasikat, pinakamahal, at pinaka-luxurious na club sa buong Fields Avenue o mas kilala bilang Red Street dito sa Angeles City. Dito lang sa Illumina may mga gold decoration sa mga dingding, may mga chandelier na galing pang Italy, at may sariling private helipad sa rooftop para sa mga VIP na ayaw dumaan sa traffic mula Maynila.
Infairness naman, mula nang pumasok ako rito, grabe ang iniyaman ng club na 'to.
But me? Heto pa rin, lubog sa utang, tired as hell, and still not rich. Hustisya naman sa ganda ko, 'di ba?
Yumaman na silang lahat dito sa Illumina, ako na lang yata ang nakalimutan sa listahan ng swerte.
Pero okay lang. Sanay naman akong mabuhay sa sarili kong kayod. Basta gabi-gabi, may naitatabi akong pera para sa limang taong gulang kong anak na si Caleb.
'Kung alam lang nila,' saad ko sa sarili ko habang tinititigan ang sarili sa salamin. Walang sinuman dito sa Illumina ang nakakaalam na may anak ako maliban kay Mama G na siyang sumalba sa akin noong panahong lugmok na lugmok ako.
Bago ako naging sikat na Prosty sa Red Street, ordinaryong working student lang ako. Noong 22 years old pa lang ako ay nagtatrabaho ako sa Midori, room attendant ako doon at tuwing gabi lang ako may pasok dahil part time lang, dahil nasa 2nd year college na ako noon.
Pero everything change because of one night. A man dragged me to his room, wala akong kalaban laban. And that night, he took away my virginity.
Sobrang sama ng loob ko, sobrang galit. Matapos niya akong halayin no'n ay basta na lang siyang nawalan ng malay, kaya agad akong nag bihis at umalis, never na rin akong bumalik sa Midori.
Akala ko yun na ang pinakamalalang nangyari sakin no'n, pero makalipas ang ilang linggo... i just found out that i am pregnant. Parang gusto ko na lang magpamatay. But still, nagpakatatag ako, hindi para sa sarili ko kundi para sa magiging anak ko kahit pa bunga siya ng isang gabing kahalayan.
Nagpakakuba ako sa iba't ibang mababang trabaho para lang itaguyod si Caleb pero sadyang hindi sapat ang kinikita ko, hanggang sa dalhin ako rito ni Mama G. Ginawa ko 'to... para sa anak ko. Si Caleb ang buhay ko.
"Courtney! Ano ba, tulala ka na naman diyan! Halika na, don't just sit there! Baka mapatalsik tayong dalawa kapag pinaghintay natin 'yun!" hila sa akin ni Mama G mula sa malalim kong iniisip.
"Oo na, Mama G. Don't rush me, perfection takes time," pabiro kong sagot bago marangyang tumayo at inayos ang bodycon velvet dress ko.
Sumunod ako sa hilera ng mga babaeng kasamahan ko, di ko na iisa-isahin mga pangalan nila, katamad.
Habang papasok sa VIP Room 1. Pagkabukas pa lang ng napakalaking black and silver door, sinalubong kami agad ng napakalamig na aircon at isang sobrang bigat na aura.
And there, sa gitna ng malawak at medyo madilim na kuwarto, nakaupo sa leather sofa ang isang lalaking mukhang pinaglihi sa sama ng loob.
Naka-unbutton ang unang dalawang butones ng mamahalin niyang polo shirt, may hawak na baso ng whiskey na may yelo, and he had this dangerous look na kayang magpahubad ng panty sa isang titig lang.
Dominique Ravenzy. He's drop-dead gorgeous, to be honest. Matangkad, borta, matalim ang panga, at may mga matang parang lalamunin ka nang buhay. Kaso nga lang, mukhang demonyo ang ugali.
Agad nagpa-cute ang apat kong kasamahan, na ikinaismid ko. Pagiling-giling sila ng balakang, looking like desperate puppies begging for attention. Me? I just stood there at the back, completely bored, and directly stared at the billionaire.
I didn't even blink. Kung akala niya matatakot ako sa dark at seryoso niyang awra, well, sorry to burst his bubble, Mr. Billionaire. Sanay na ako sa mga lalakeng akala mo kung sinong hari dahil lang makapal ang pitaka.
Inilibot ni Dominique ang malamig at mapanghusga niyang tingin sa aming lahat. But when his eyes landed on me, natigilan siya nang bahagya. May kung anong spark na sumilay sa mga madidilim niyang mata. I know that look-pero ang kakaiba sa kaniya, walang halong libog ang tingin niya. Pure judgment, calculated, and full of curiosity.
Ipinatong niya ang baso ng whiskey sa lamesa at itinuro ako gamit ang hintuturo niya.
"Ikaw. The rest, leave."