Makikita sa mga mata ng mga trabahador ang pagtataka kung bakit parang ibang amo ang kaharap nila ngayon..Lagi nalang itong tahimik minsan pa ay natutulala at kadalasan ay nakadistansya na ito sa kanila na hindi naman dati nitong ginagawa..Kilala si Blake bilang isang napakamabait na amo,kahit pa nga ito amo ay tumutulong pa rin sa kanila napakasipag nito, magiliw at may malasakit talaga sa mga trabahador doon pamilya na talaga ang turing ng binata sa kanila.Kaya hindi sila sanay na nakikitang tila may lungkot itong dinadala.Laging malayo ang iniisip at hindi makapagpokos sa trabaho.
Blake,hijo"hindi na nakatiis na tawag ni Mang Kanor at nilapitan ang binata"may problema ba anak"ito ang pinakamatanda sa lahat ng trabahador siguro nasa edad sisenta na ito pero malakas pa rin ang pangangatawan hindi pa lamang kababakasan ng katandaan maliban sa medyo pumuputi na talaga nitong buhok.
Umiling ang binata.
"Hijo,ilang araw kana namen napapansin na malungkot at malayo ang iniisip."
Napatingin ang binata sa matandang kausap.Obvious na bang masyado ang kaniyang ikinikilos kaya maging pati ang mga trabahador ay napapansin na siya.It's been a few days since he came home from Manila, He forces himself to focusing on work at the hacienda but Hershey always messed with his mind.Nagtatampo na ang kaniyang kasintahan since he arrived from the Hacienda he has not been to her house.Lagi niyang idinadahilan na busy siya at maraming gawain muna dapat tapusin.Bakit ganun?Bakit tila wala siyang excited na maramdaman ngayon na puntahan ang kasintahan gayung mga tatlo o apat na araw lamang sila hindi magkita ay namimiss na niya ito,bakit ngayon parang hungkag ang kaniyang nararamdaman para sa kasintahan at naiinis siya sa sarili dahil dun.
"may gumugulo ba sa isipan mo ha,Blake?"tanong uli ng matanda."babae,tama ba?"
Napatingin ng diretso ang binata basang-basa siya ng matandang kaharap.
Napangiti ito."Kahit hindi ka magsalita alam kung gumugulo sa isipan mo,"naiiling na tinapik nito ang balikat ng binata."Nak,papunta ka palang pabalik na ako"
"Gulong-gulo ho ang isipan ko ngayon tata kanor,"wika ng binata na hindi na magawang maglihim pa sa matanda."Pilit na sumisiksik siya sa isipan ko kahit anong pilit kung iwaglit ,,,wala hindi ko magawa."
"May nararamdaman kana sa kaniya kung ganun."walang paligoyligoy na wika nito.
Lalong natigilan ang binata sa tinuran nito.Imposibleng mangayari ang sinasabi nito dahil mahal niya si Regina at kaya lang naman niya ito naiisip maybe because He felt sorry for her.
"Mali ho kayo ng iniisip Tata Kanor hindi ho yun mangyayari I have a girlfriend and you know that."
Natawa ito sa sagot ng binata.
"Hijo,kahit kailan hindi pa ako nagkamali ng aking sapantaha pagdating sa ganyan..eksperto ito noong araw pagdating sa pag-ibig."anitong may halo pang pagbibiro.
Natawa ang binata,halata naman sa hitsura nito na matinik ito sa babae noong araw dahil kahit matanda na kakikitaan pa rin sa katawan nito ang kakisigan at kagwapuhan.
"Maniwala ka sa akin,may nararamdaman ka sa babaeng iyun dahil hindi ka magkakaganyan kung wala.."anitong tinapik siya sa balikat at muling bumalik sa ginagawang paggamas ng mga d**o sa paligid ng mga tumutubo pa lamang na mga tanim na papaya.
Naiiling na sinundan na lamang ng tingin ni Blake ang matanda..Hindi mangyayari ang sinasabi nito dahil mahal niya si Regina..Matagal na silang magkasintahan nito at kahit minsan hindi na siya tumingin pa sa ibang babae kaya malabo ang sinasabi ni Tata Kanor na may nararamdaman siya para kay Hershey..Naiisip lamang niya ito dahil kinakain siya ng guilty at yun lang ang dahilan at wala nang iba pa..
"Babe"
Napalingon ang binata ng marinig ang boses ng kasintahan,nakatayo ito sa may di kalayuan sa may kinaroroonan niya,nakangiting kumakaway ito sa kaniya.Inalis ng binata ang suot na sumbrero,binitiwan ang hawak na gulok naginagamit sa panggamas ng d**o,kasalukuyan kasing tinatanggal niya ang mga maliliit na tumutubong d**o sa panabi ng mga itinaim na papaya.
Iniwan ang ginagawa at lumapit sa kasintahan.
"/Babe,"ganting bati niya sa kasintahan..Ngunit bakit ganun parang may kulang,bakit parang hindi siya masaya na anduon ang kaniyang girlfriend gayung dapat ay matuwa siya.
"I hate you,Babe!It's been a few days since you came here but you didn't even think to visit me."nasa tinig nito ang pagtatampo.
"I'm sorry,Babe!but I am a little busy,hindi ko agad natapos ang gawain ko dito sa hacienda."he lied to his girlfriend.
"ahmmmm.Ok I understand !,you have more obligation here in hacienda."
Ngumiti siya,but in the depths of his heart he felt guilty because of what he did,and also he feels more guilty for lying to her girlfriend.Even if he doesn't admit it to himself,he is not happy to see Regina.It's seems that his heart is looking for someone else..
Oh nO!hindi tama na ganito ang kanyang maramdaman,that is unfair for Regina. Hindi tamamg isipin niya si Hershey.
"Ipinagluto pala kita ng paborito mong ginataang hito,'nakangiting wika nito na inilabas ang mga dalang pagkain mula sa basket..ipinatong iyun sa mesa na yari sa kawayan.
"Salamat,talagang nag-abala kapa talaga huh!'anitong kumuha ng isang pirasong hiwa ng papaya.
"Syempre naman basta para sayo,by the way!how is your bussiness in manila?"anito habang nilalagyan ng kanin ang kaniyang plato.
Blake is almost choked on the papaya he ate when girlfriend asked him,what should he say here?that he didn't fix it,but siya pa ang gumawa ng problema when he went to Manila.and should he admit to her girlfriend that he had a one night stand?"Oh No!If he tells the truth,Regina will definitely be hurt and might even lose her temper,at hindi niyang kayang saktan ang kasintahan.Regina is a good person,This is the woman he dreams of being with for the rest of his life.nakita niya kay Regina ang mga katangian ng isang babae na kaniyang hinahanap.Pero ngayon tila ba nabago ang ihip ng hangin,may isang bahagi sa kaniyang puso na ang hinahanap ay si Hershey.
"Hey!there's something bothering you?"untag nito sa natigilang binata.
"Huh!ah..well,ramona has decided to close the company and go to America to live there."
"Oh That's good for her and Dave,"
"Yeah!"
"Ahmm.Babe,Mom is already asking when we are getting married?"nakangiting wika nito.
Blake was suddenly silent at what Regina said,he didn't know what to say,whether he admits it or not he feels that his feelings for his girlfriend are not the same as before parang may nabago that he can't explain to himself,but in spite of everything he tries to show happiness.
"Ah!Babe,pag-usapan natin yan kapag ok na ang lahat kailangan nating paghandaan ang bagay na iyan,syempre dapat maibigay ko sa girlfriend ko ang pinakamagandang kasal"aniya na pilit ngumiti kahit na parang ayaw sabihin ng kaniyang puso.