Chapter Nine

1080 Words
Nagmamadaling tinungo ni Hershey ang lababo ng maamoy ang niluluto ni Aleng Simang..Parang babaliktad ang kaniyang sikmura ng maamoy ito. Napakunot-noong sinundan naman ito ng tingin ng matanda.At suminghot-singhot kung May umalingasaw ba na mabaho sa kusina..Wala naman!anong nangyayari sa kaniyang amo at nagduduwal na lamang ito gayung wala naman siyang naaamoy na mabaho. "Ano bang niluluto nyo ,Aleng Simang,ang sangsang ng amoy."reklamo ni Hershey na nakatakip ng ilong. "Ho!"nagtatakang bulalas ng matanda.Inamoy-amoy ang niluluto,wala naman siyang naaamoy na mabaho..magigisa palang naman siya ng bawang at sibuyas at lagi naman nito iyung naaamoy kapag nagluluto siya at nagkakape ito sa kusina. "Eh !Mam!wala naman ho akong ibang niluluto kung hindi bawang at sibuyas pa lamang ho ang ginigisa ko..mabango naman ho!"anito. Natigilan ang dalaga..Bakit siya naduwal at mabahong-mabaho ang kaniyang pang amoy gayung nakasanayan na niya itong amuyin kapag nagluluto si Aleng Simang kapag naroroon siya sa kusina..eh!bakit ngayon tila babaliktad ang kaniyang sikmura sa amoy bawang at sibuyas lang naman. "Oh!"natutop ng matanda ang bibig.."Mam,di kaya ho ay naglilihi kayo,buntis ho kayo Mam,!" Buntis?Siya buntis?Pakiramdam ng dalaga ay bumilis ang ikot ng mundo para sa kaniya ng mga oras na iyun kasabay ng mabilis na pagtibok ng kaniyang puso..Napakapit sa kanto ng mesa ang dalaga ng kamuntik na itong mabuway sa pakiwari niya ay kumalas lahat ng kaniyang mga buto sa kaniyang katawan. "Naku mam!ok lang ba kayo?"nag -aalalang inalalayan nito ang amo. Tumango ang dalaga..gayung tila bulkan na sasabog ang kaniyang ulo..akala mo hinahabol ng kabayo ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib..Mahigit isang buwan na nga pala siya sa kanilang Resort at hanggang ngayon ay hindi pa siya dinatnan ng kaniyang menstruation..So,posible ang sinasabi ni Aleng Simang na buntis nga siya.Oh No!hindi maaari ito? Tiyak na itatakwil siya ng kaniyang Ama kapag nalamang buntis siya at walang ama na kikilalanin ang kaniyang magiging anak.Isang malaking kahihiyan ito sa kaniyang Pamilya..Pakiramdam ng dalaga animo'y isa siyang kandilang nauupos ng mga sandaling iyun..hindi niya kakayanin kapag ipinagtabuyan siya ng kaniyang pamilya,at lalong hindi naman niya kakayaning ipaabort ito kung sakali man nga na buntis siya..May takot naman siya sa Panginoon at hinding hindi niya iyun gagawin sa kaniyang magiging anak..Kahit pa anong mangyari,ipaglalaban niya ang kaniyang ipinagbubuntis kapag talagang itinakwil siya ng kaniyang pamilya at hindi siya tanggapin ng mga ito..Kaya naman siguro niya iyong panindigan kahit walang ama na kikilalanin. "Mam,huwag ho sana ninyong mamasamain pero alam na ho ba ito ng boyfriend ninyo?"tanong ng matanda sa dalaga. Umiling ang dalaga..paano niya ipapaalam gayung wala naman silang relasyon ng ama ng kaniyang magiging anak..na isang gabi lang ang nangyari sa kanila at kapwa hindi pa nila ginusto. "Naku!Mam,mas mabuting habang maaga pa ipaalam nyo na ho!masarap ho sa pakiramdam na maglihi na andiyan sa tabi natin ang ama ng ating ipinagbubuntis.."anitong May kalakip na ngiti sa labi.." Natigilan ang dalaga..Kahit naisin niya ang sinasabi nito hindi naman mangyayari at malabong mangyari. "Alam ninyo ho ba nung ako nagbubuntis,marami akong mga pagkaing hinihingi sa asawa ko na minsan naman ay wala talaga..umiiyak ho talaga ako sa sama ng loob..ganoon ho pala kapag naglilihi kung ano anong gusto kainin."pagkukuwento nito na sinasabayan pa ng tawa. Wala sa loob na nahimas ng dalaga ang wala pa namang umbok na kaniyang tiyan. "Tiyak ho kapag nalaman nun na buntis kayo,matutuwa ho sigurado ang boyfriend nyo."ayaw talaga paawat sa kadaldalan itong si Aleng Simang. Matutuwa nga ba ito kapag nalamang buntis siya?Ano kaya kung hanapin niya ito at papanagutin sa magiging anak nila di wala na siyang magiging problemang kakaharapin pa. Abala sa pakikipag-usap si Blake kay Tata kanor upang ipaliwanag sa matanda kung anong araw na dapat anihin ang mga bunga ng mangga,nang lumapit sa kanila ang isang trabahador. "Ah Boss,may naghahanap po sainyo" "Sino?" "Ayun ho,magandang dilag,"Anito sabay turo sa kinaroroonan ng sinasabing naghahanap sa kaniya. Tila tuod na hindi nakagalaw mula sa kaniyang kinatatayuan ang binata ng makita kung sino ang hindi inaasahang naghahanap sa kaniya. "Hershey,!"piping banggit nito sa pangalan ng dalaga.Hindi ba siya namamalikmata lang oh talagang ang tingin na niya sa ibang tao ay ang dalaga dahil walang araw na hindi niya ito naiisip.Kinurap-kurap ng binata ang mga mata,at kahit ialang libong beses pa ata niyang ikurap ang mga mata y hindi magbabago ang hitsura mg taong naghahanap sa kaniya. "Tata Kanor,pakikurot nga ho ako,"mahinang sabi niya sa matandang katabi,baka kasi nananginip lamang siya.Sinunod naman ng matanda ang utos ng amo.may ngiti sa labing nagpalipat-lipat ng tingin ang matanda sa binata at sa babaeng bisita nito at parang nahuhulaan na niya,ito ang babaeng nagpapagulo sa isipan ng amo. "Aray!"daing ng binata"masakit naman tata kanor,bakit naman ho tinodo nyo." "Para malaman mo na hindi ka lamang nanaginip" So,totoo nga hindi lamang siya nanaginip laamang,Si Hershey talaga ang kaniyang bisita na kahit kailanman ay indi sumagi sa kaniyang isipan na mangyayari ang ganitong pagkakataon sa kaniya...Parang tambol sa lakas ang kabog ng kaniyang dibdib ngayong totoong nasa harap na niya ngayon ang dalaga na mahigit isang buwan na rin gumugulo sa kaniyang isipan.para siyang isang teen ager na nakita si crush,hindi alam kung kikiligin o anoo.bakit iba?parang ang saya-saya ng kaniyang nararamdaman ng mga sandaling iyun,Oh s**t!tama bang maramdaman niya ang ganito Mahina ang mga hakbang na nilapitan nito ang dalaga. "He..hershey,"mahinang sambit niya sa pangalan nito,at tila ba na may nag-uudyok sa kaniyan isip na yakapin niya ang dalaga.ngunit pinigilan ang sarili na huwag gawin iyun. "Do I disturb you?"tanong nito. "no,no.."aniya"come here inside"yaya niya rito na pumasok sa loob. sumunod naman ito at hindi na hinintay pa na aluking umupo,kusa na itong umupo sa sofa. "Hinanap kita the day you left.."wika ng binata."I wish i could have talked to you before i came home" Matamang pinagmasdan ito ng dalaga. "Why did you look for me?" "Dahil gusto ko sana magkausap tayo ng maayos,gusto kung humingi ng tawad sayo."sinserong wika ng binata. Napatango-tango ang dalaga.. "Paano mo nga pala nalaman itong Hacienda" "I asked Jake"sagot nito. "Oh!"napatango-tango ang binata..hindi niya alam kung ano ang sadya ng dalaga,but he seemed to wondering why he was looking for him,and he seems to want to be nervous." Hershey breath deeply,she was thinking how to tell the man her true intentions why she went to him without breaking her voice..she was nervous,mapride siyang tao,hindi niya ugaling luamapit sa kung sinuman para makiusap but this time kailangan niyang gawin para hindi madamay ang kaniyang pamilya sa kahihiyang kaniyang ginawa at para na rin sa kaniyang ipinagbubuntis..Wala siyang magagawa kung hindi lunukin ang pride.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD