"So,ako talaga ang ipinunta mo dito?"nagtataka man ay alanganin pa rin na tanong niya.
"Yes!"sagot ni Hershey
"And what is it?"tila kabadong tanong ng binata."
"Marry me!"walang alinlangang wika ni Hershey.
Bomb!
Tila bombang sumabog iyun sa pandinig ng binata."Marry Me!"umaalingawngaw sa kaniyang tenga ang mga katagang binitiwan ni Hershey..Did he heard right?or not?"or nabingi lamang siya at kailangan na niyang magpakunsolta sa ENT..baka nagkakadiperensya na ang kaniyang tenga..Siya?Inaalok ng dalaga na pakasalan niya ito?is this serious or just kidding?.Nasa tamang pag-iisip pa ba ito?
"What did you say?"tanong ng binatang hindi makapaniwala sa narinig gusto niyang makatiyak na tama talaga ang kaniyang pagkakarinig at hindi nabibingi lamang."Tama ba ang narinig ko"
"Yes!hindi ka naman siguro bingi para hindi marinig di ba?"ani Hershey na may halong pagtataray,ngunit ang mukha ay kaunting kaunti nalang magmemestisang bangus na sa pamumula..pinipilit na lakasan ang loob upang masabi sa binata ang gustong sabihin na hindi pumipiyok..baka kasi bumigay siya at hindi niya masabi..kailangan niyang gawin ito hindi para sa kaniya kung hindi para sa kaniyang baby.kailangan niyang kapalan ang mukha na alukin ang binata na pakasalan siya para mabigyan niya ng pangalan ang magiging anak nila nito.at maiiwas ang pamilya sa kahihiyan kahit labag sa kaniyang kalooban ang naging desisyon ay kailangan niyang panindigan.
"He..hershey.."Blake didn't know what to say..bigla natuliro ang kaniyang utak..nabigla siya sa tanong nito at ang hirap magdesisyon dahil may kasintahan siyang umaasa rin na pakakasalan niya.
"No more ,questions, and I'm not asking for your asnwer either..."matapang na wika ng dalaga kahit pa tila gagaralgal na ang kaniyang boses dahil natatakot rin naman siyang tanggihan ni Blake ang kaniyang sinabi."Marry Me"pag-uulit niya.
Matamang pinagmasdan ng binata ang dalaga..May kaunting pinagbago sa maganda at sopistikada nitong mukha..,the woman looks pale,medyo humpak ang mukha,tila ngbawas ng kaunti ang timbang nito bagamat makikita pa rin ang magandang hubog ng katawan.Siguro dahil sa nagyari sa kanila kaya ganito ang nangyari sa katawan ng dalaga masyado nitong dinamdam at inistress ang sarili dahil sa pangyayari..and he felt pity for this woman , tila may isang bahagi sa kaniyang puso na nag uutos na haplusin
ang mukha nito at iparamdam na gusto niya itong icomfort kulungin sa kaniyang mga bisig subalit mahigpit na pagtitimpi sa sarili upang mapigilan na huwag iyung gawin..
At sa tingin niya tila pagod na pagod ito.
Napabuntung hininga ang binata.
"Come"aniya sa dalaga na kinuha ang isang kamay.
"Saan?"napakunot noong tanong ng dalaga sabay pumiksi."bitiwan mo nga ako."
Ngunit hindi nagpatinag ang binata hindi nito binitiwan ang kamay ng dalaga.
"You need to take a rest,bago natin pag-usapan ang lahat,okay!"
Bigla na"touch"ang dalaga sa ipinakitang pag-aalala ng binata..at hindi na nagawang bawiin pa ang kaniyang kamay na hawak nito.
Dinala siya nito sa isang silid na sa tingin niya ay para talaga sa mga bisita nakalaan.
"Rest first,"anito.
Tango lamang ang isinagot ng dalaga.
Ang totoo talaga eh kanina pa niya gustong humiga..sumama na naman kasi ang kaniyang sikmura at tila maduduwal na naman siya.mabuti na lamang at kaniya pang napipigilan.
Matagal ng wala sa kwarto si Blake,pero hindi pa rin makapaniwala ang dalaga sa kaniyang sarili na heto siya sa balwarte ng lalake upang hingin na pakasalan siya ito..This is the only way she can think of and even she doesn't know what the result or consequences will be...Wala na siyang pakialam sa kung anuman ang gustong isipin sa kaniya ni Blake ang mahalaga ang magiging kinabukasan ng kaniyang anak ang may kilalanin itong ama kapag kaniya ng naisilang.Marahas na napabuntong-hininga ang dalaga..bahala na!aniya...at ipinikit ang mga mata hanggang sa makatulog ito gawa na rin siguro ng malayo ang ibiniyahe nito.
Blake called Tata Kanor na abala sa pag iipon ng mga dayami para sa pagkain ng mga alagang kabayo.
"Oh Hijo!'anitong tumigil sa ginagawa at lumapit sa binata.
"Naguguluhan ako Tata Kanor,"paglalabas saloobin ng binata,he need someone to talk to for advice on the situation he is involved now.And he told the old man the whole story of what happened to him and Hershey in Manila.
"nakow dyaskeng bata ka,at pinakialaman mo"
"I'm drunk,Tata Kanor."
"Eh kahit pa,ngayon may pananagutan kana sa kaniya."
"But Tata Kanor I have a girlfriend,at alam ho ninyo yan."
"Pero wala pa namang nangyayari sainyo ni Regina kaya wala ka pang mabigat na pananagutan sa kaniya,ay yung taga Manila mas higit ang pananagutan mo sa kaniya dahil pinakialaman mo sya."
"so,sinasabi ho ba ninyo na dapat kung panagutan si Hershey,"tanong ni Blake na gulong-gulo ang isipan.
"Nonn kapag pinakialaman mo ang isang babae hindi puwedeng hindi mo panagutan,ngunit ngayon hindi na uso baleawala na sa kanila,at kung ako ang tatanungin mo sa sitwasyon mo ngayon mas dapat na panagutan mo ang taga-Manila."
Marahas na napabuntong hininga ang binata.
""Nahahati ang puso ko ngayon,Tata Kanor."
"Hijo,kaw pa rin ang magdedesisyon para sa sarili mo ang sa akin ay opinyon lamang hane,ang kasal ay hindi biro-biro lamang,yan ay panghabangbuhay."
"Anong gagawin ko Tata Kanor,masasaktan ko ng husto si Regina kapag nalaman niya ito."
Naiiling na tinapik ng matanda ang balikat ng binata.
"Malalaman at malalaman,hindi mo sa kaniya maitatago ang lahat."
"Oh Damn!"napamura ito.
"Alam mo ba kung bakit nahihirapan ka at nagkakaganyan,dahil may puwang na rin sa puso ang babaeng taga manila at hindi muna yun maitatanggi pa."
Natigilan ang binata,tama nga ba ang matanda sa hinala nito.When he saw her,he felt a strange excitement and missing this woma,.He wanted to hug her.Tila ba yung mga nagdaang araw at linggo na puno ng kahungkagan ang kaniyang puso ay napalitan ngayon ng saya ng makita ang dalaga.na hindi na niya maramdaman kapag kasama ang kasintahan.Oh s**t!napakasama niya kay REgina.
Muling bumalik ng bahay ang binata upang puntahan si Hershey at kausapin.maingat na binuksan ang pinto ng hindi siya nito pinagbubuksan sa kaniyang pagkatok.Sumilip ito at ng makitang natutulog ang dalaga ay dahan dahan itong lumapit at naupo sa gilid ng kama,matamang pinagmasdan ang dalaga.may kung anong bugso ng kaniyang damdamin ang nag uutos na hapusin ang mukha nito at damhin,may kung anong pumitik mula sa kaibuturan ng kaniyang puso ang kakaibang pakiramdan that he can't explain habang pinagmamasdan at dinadama ng kaniyang palad ang mukha nito,may kakaibang init na hatid sa kaniyang katawan ang tagpong iyun,at kahit anong pilit aang gawin niyang pagtanggi na hindi maaari ang kaniyang nararamdaman ay pilit namang nagsusumiksik sa kaniyang puso't damadamin ang dalaga."Hershey,"mahinang sambit nito sa pangalan ng dalaga,kapagkuwan ay kinuha ang kumot at kinumutan ang dalaga.At sa paglabas ng silid na iyun nakabuo na ng desisyon ang binata.