ZIELLA MARIE KALPERON POINT OF VIEW "Mama..." wala sa sariling nasabi ko. Teka na nanaginip ba ako? Si mama nasa harap ko? Imposible. "Ziella anak..." aniya na nakapag patulo ng mga namumuong butil ng luha sa aking mga mata. "Iella sino 'yan-? Omaygash!" gulantang ani Ielle nang makita rin si mama sa harap ng pinto. Alam ni Ielle at saksi siya kung paano ako ipag tabuyan at kamuhian ng mama ko... pero bakit tinawag niya akong anak at nag punta siya dito sa condo na tinitirhan ko? Naguguluhan ako. Nginitian niya kami ng mapait, "Hindi n'yo ba ako papapasukin?" nakangiting aniya. Natutuliro akong tumabi sa daan at iminuwestra siyang pumasok na. "Anong meron? Ba't nandito si tita?" takang bulong sa akin ni Ielle nang makalagpas na samin si mama. Nag kibi't balikat lamang ako at sinu

