ZIELLA MARIE KALPERON POINT OF VIEW NANG matapos makapag bihis ay lumbas na ako ng kwarto dahil wala na rin naman na si doggie ro'n. Nang marating ang kusina ay naabutan ko doon si Ielle na mag isang umiinom ng black label. Tingnan n'yo 'tong gagang 'to. Muntikan ng malason kanina tapos umiinom pa din. "Woi asan na sila?" tanong ko nang makalapit na sa kaniya. Nag angat siya ng tingin sa akin. "Umalis na," aniya at muling ibinalik ang paningin sa iniinom. "Ano ka ba ha? Ielle tigilan mo nga 'yang pag inom!" asik ko sa kaniya at inagaw ang baso at bote sa kamay niya. Hinarap niya ako at ngayon ko lamang napansin ang namumugto niyang mga mata. "Iella ang hirap... Ang hirap hirap pala talaga mag move on kapag mahal na mahal mo yung tao... Kahit na gaano kasakit ang ginawa n'ya sa a

