Chapter 25 “Why are you taking, Maxine, Kuya?” “Papa! Look! Nagdadala ng bag si Maxine!” “Aalis ka na ba, Tita Maxine?” “Tita Maxine! Birthday ko na sa Monday!” “Iiwan mo na ako?” Nagulat ako nang may marinig akong mahinang tawa sa tabi ko at agad naman ako napataas ng tingin. Nakita ko si Paul na yumuko na rin para magkasing height sila ni Rona. “Rona, hihiramin ko muna ang Tita Maxine mo pero ibabalik ko naman siya kaagad.” Nakita ko kung paano umasim ang mukha ng bata sa sinabi ni Paul. “Diba sabi mo birthday mo sa Monday? Hindi mo mapapansin na wala ang ang Tita Maxine mo dahil babalik siya kaagad bago ka magbirthday.” Nakita ko kung paano lumabi si Rona pero masama pa rin ang tingin kay Paul. “Hindi mo kukunin ang Tita Maxine ko?” Agad na umiling si Paul at hinawakan ang k

