Maliit na tampuhan

1338 Words
"It's been a tiring day, gusto nyo ba umorder na lang ako ng chicken for dinner?" tanong ni Adrian. "Pwede naman, hindi pa rin naman ako antok, parang bet ko maupo sa veranda," sagot ni Rey. "How about you, Celine?" tanong ulit ni Adrian habang nakatingin rito. "Maganda naman yung idea ni Rey kaya why not, bakit hindi na rin tayo umorder nang soju? gusto ko kasi talaga subukan iyon." Sagot ni Celine. "Okay then, i will order some soju and chicken then mag wash up ba rin muna ako saglit." "Sige lang, liligpitin ko na rin muna yung mga dala natin kanina para bukas wala na akonh masyadong iimisin," "Need help?" tanong ni Adrian. "Kaya ko na, pagod ka na sa pagda drive," "Sige, salamat," ngiti nito kay Celine. "By the way Rey, kapag dumating yung order paki bayaran na lang ha, kuha ka na lang sa wallet ko nang pera, nasa table sa kwarto at maliligo lang ako sandali," sabi nito. "Sure bro, ako na bahala." Sinimulan ni Celine hugasan muna ang mga Tupperware na pinaglagyan nang mga pagkain na dala dala nila kanina tapos ay ibinalik sa taguan ang picnic basket, kung saan ito nakalagay talaga. Pagtapos ako nagwalis lang siya nang kaunti sa kusina dahil hindi na nila pina punta si manang Lea dahil dinalaw nito ang pinsan nito at mahihirapan pang bumiyahe kaya minabuti nila na doon na lamang muna rin ito patulugin, tutal ay pwede naman silang umorder nang pagkain na kakainin nila at kung magluto man ay may mailuluto naman din sila dahil nakapamalengke naman na si manang Lea bago ito bumiyahe papunta sa kaniyang pinsan. Pagtapos maglinis ni Celine ay umakyat ito sa kaniyang kwarto para imisin din ang mga gamit na dinala at balak niya na rin labhan ang mga swimsuit na suot nila kanina para hindi na pekasin pa, inayos niya lang ang kaniyang gamit tapos ay nag half bath dahil nangati siya dahil sa aircon nang sasakyan tapos ay bumaba na bitbit ang kaniyang swimsuit at ang kay Rey para isalang ito sa washing machine sa laundry room. "Rey, isasabay ko na itong mga damit mo na binasa kanina ha at maglalaba kasi ako," sigaw nito sa pinsa dahil busy ito manood nang korean drama. "Sige, salamat," pasigaw na sagot naman nito. Bago kay Celine ang washing machine na automatic at unang beses niya pa lang nakakita nang ganoon kaya naman pag punta niya sa laundry room ay hinanap niya ang manual nang washing machine para naman basahkin ito at para malaman niya na rin kung paano iyon gamitin. "Kung bakit ba naman kasi automatic ang washing machine dito," pabulong na sabi niya sa sarili habang nagkakamot nang ulo. "Sorry for that, ako na ang maglalagay sa loob niyan," natatawang sagot ni Adrian dito. Agad naman na napa balikwas si Celine sa kinatatayuan nang marininh nitong sumagot si Adrian dahil sa hindi niya naman namalayan na dumating pala ito at nasa kaniyang likuran. "Thank you," nahihiyang abot niya nang damit nila ni Rey, " hinahanap ko kasi ang manual kaya lang ay hindi ko naman makita kaya sinusubukan kong basahin kaya lang ay korean naman ang mga nakasulat," nahihiyang sabi pa nito. "Okay lang iyon, kaya pala hindi kita nakitang nanonood kasama ni Rey ay nandito ka at busyng busy mong pinag-aaralan itong machine," natatawang sabi naman nito. "Paano gagawin? e bago lang naman sa akin ang ganito," mataray na sagot nang dalaga. "Did i offend you? sorry hindi ko sinasadya," sabi naman nang binata. "Diyan ka na nga, salamat sa paglagay sa machine nang damit namin ni Rey," mataray na sabi nito sabay alis para magtungo sa sala para manood nang television. "Sus kala mo naman, nagkataon lang naman na hindi ko alam gamitin tapos ganon na agad," bubulonh bulong na sabi nito bago sumalampak nang upo sa sofa sa tabi nang kaniyang pinsan. "Ano ba iyang ibinibulong bulong mo? sino ba kausap mo?" nagtatakang tanong naman ni Rey sa pinsan. "Ah, wala," mataray din na sagot nito. "Ano ba iyang pinapanood mo?" "Wala? tsk, ewan ko kung anong title nito, hindi pa naman nag papalatastas kaya hindi ko pa nakikita kung ano," mahabang sagot nito. "Okay sige," Dahan dahan naman na naupo si Adrian sa sofa malayo sa upuan nang mag pinsan, tinignan lang ito ni Celine tapos ay inirapan. "Aakyat na muna ako Rey, tawagin mo na lang ako kapag dumating na yung soju ah," sabay akyat nito sa kaniyang kwarto. "Anong nangyari don? tanong ni Rey kay Adrian, may ginawa ka ba kaya ganoon yon?" "Meron yata?" kamot batok na sagot nito. "Ha? meron yata?" nagtatakang tanong naman ni Rey pabalik. "Ano ba kasi iyon?" "Eh kasi di ba kanina pagbaba ko galing kwarto nakita kita dito pero magisa ka lang, kaya hinanap ko siya, nung napadaan ako sa laundry room may narinig ako na nagsasalita tapos nakita ko si Celine kaya tumayo ako sa likuran niya, tapos ginulat ko at sinabi na kaya pala hindi ko siya nakita dito sa tabi mo ay andun siya at busyng busy na pinag-aaralan yung automatic na washing machine, tapos ayon parang biglang nagalit sakin," mabahang paliwanag nito. "Magagalit nga yon, nakita mo kung gaano kataas ang pride non pagdating sayo, tapos sasabihan mo nang ganon, at isa pa wala sa bundok nang automatic na washing machine kaya natural hindi niya alam iyon, kahit ako man hindi ko alam mag operate nang ganon," "Wala naman akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko, nagbibiro lang ako malay ko ba na magagalit sa akin iyon," Matapos magsalita ni Adrian ay saktong tumunog naman ang doorbell nang bahay kaya agad rin na tumayo si Rey para bayaran ito, kumuha na rin kasi siya nang pang bayad kanina pa bago siya manood nang korean drama. Umorder si Adrian nang anim na pirasong soju tapos tatlong klaseng flavor nang manok, umorder na rin siya nang fries dahil alam niya na paborito iyon nang dalaga, na ngayon ay hindi niya alam kung tatanggapin ba nito iyon sakaling i alok niya dahil nga sa nagalit ito sa kaniya. "Veranda pa ba or dito na lang? parang maganda kasi itong pinapanood ko," "Dito na lang siguro, malamig na sa veranda masyado, wala rin namang bituin kaya okay na rito." "Okay sige, tatawagin ko lang si lyny." Habang naglalakad si Rey paakyat ay nagiisip na ito nang paraan kung paano ba pagbabatiin ang dalawa, ayaw naman kasi niya na magkaroon pa ito nang tampuhan imbis na i enjoy na lang ang pagkain at isa pa nahihiya siya sa kaibigan sa naging asta ni Celine dito sa laundry room. "Lyny," tawag nito sa labas nang pintuan, "pwede ba pumasok?" tanong pa nito. "Sige lang pasok ka na lang," sagot ni Celine habang nakaupo sa kaniyang higaan at nagbabasa nang libro. "Nandiyan na yung pagkain, halika na," yaya nito sa pinsan. "Maya maya na ako, hindi pa rin naman ako gutom," pag iwas na sagot nito. "Sinabi sa akin ni Adrian yung nangyari kanina, himingi siya nang sorry kasi wala naman daw siyang intensyon sa sinabi niya, nagbibiro lang naman raw siya," pasimula nito. "Alam ko naman , medyo na hurt lang ako pero totoo naman kasi yung sinabi niya," malungkot na sabi nito. "Valid yung feelings mo, kasi kung ako man din ang sabihan nang ganon ay masasaktan rin, it's a joke lang mali yung pagkaka deliver kasi seryoso, alam mo naman na hindi pa ganon ka sanay si Adrian sa iyo, nag aadjust pa rin siya kasi hindi niya rin naman alam ang mga bagay bagay tungkol sayo, pagbigyan mo na muna ngayon, gusto mo na na habang nasa bakasyon tayo ay may tampuhan kayo?" tanong ni Rey. "Syempre ayoko, sino ba naman ang gugustuhin ang ganon di ba? okay naman na ako, nanibago lang ako, siguro nga hindi pa lang rin ako sanay na binibiro ako ni Adrian nang ganon." "Halika na? kain na tayo, lalamig pa yung chicken tsaka soju," yaya nito sa pinsan. "Halika na, thanks." sabi ni Celine "Sus, ikaw talaga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD