LALA SIMULA nang maging magkaibigan kami ni Matt ay araw-araw na akong inspired. At araw-araw ko ring idinadalangin na sana'y hindi ma-expire ang magandang samahan namin at maging tuloy-tuloy na sana hanggang sa next level. Charot lang. "Nakakahalata na ako sa 'yo, ah." Napaiktad ako sa biglang pagsasalita ni Martin. Nawala sa isip ko na nandito nga pala ako sa room niya para bisitahin. Kababalik lang nila ni Ma'am Liza galing Manila. "Na ano?" "Ang blooming mo at palagi ka nang mabango. May pinagpapagandahan ka, 'no?" Pang-iintriga nito na ikinahaba ng nguso ko. "Grabe ka naman sa akin, parang sinabi mo namang ang baho ko dati." Napangiti ako nang humalaklak ito. Napasaya ko na naman siya. "Buhaghag lang ang buhok ko dati pero mabango na talaga ako since birth, 'no." "Parang hi

