"AYAW MO TALAGANG SUMAMA?" Muling tanong ni Mich sa akin. Kanina pa niya ako kinukulit na sumama sa kaniya sa Maynila para raw makapasyal naman ako tutal ay off ko ngayon. "Ayaw ko talaga, Mich. Next time na lang ako sasama." Pang-ilang tanggi ko na ito sa kaniya. "Hindi naman kita ililigaw sa Maynila, eh. Para maiba naman ang nakikita mo, hindi 'yong puros dagat at mga turista lang. Saka nando'n si Kuya," anito sabay kindat. Ngiting-aso ang isinukli ko rito na ikinatawa nito. "Lumayas ka na, oy. Hindi talaga ako sasama sa'yo." Pagtataboy ko. "Ayaw mong makita si Kuya? Hindi mo nami-miss?" Ayaw pa ring tumigil na pag-aala-kupido nito. "Sinong Kuya ba?" Pabirong kinurot nito ang braso ko. "Sus! Kunwari ka pang hindi kilala, if I know, may something na yata sa inyo ng Kuya ko,

