LALA MATAPOS kong bastedin si Caden ay bumalik na normal ang buhay ko. Nawala 'yong kaba sa tuwing nakikita ko siya. At hindi ko na rin mas'yadong inisip 'yong huling banta niya sa akin nang huli kaming magkita. Inisip ko na lang na dala lang 'yon ng galit niya kaya nasabi ang mga pagbabantang 'yon. It's been 3 weeks at hindi na rin naman siya nagpakita sa akin maski magparamdam sa cellphone. Okay naman sana si Caden pero hindi ko talaga gusto ang pabago-bago nitong ugali. Para siyang nag-iibang tao kung minsan. At feeling ko hindi ako safe kapag kasama ko siya. Ah, basta ang weird. Lalong napalagay ang loob ko sa paglipas ng mga araw dahil nalaman ko mula kay Martin na nagpaalam na ito sa kaniya, na hindi na babalik dito sa resort kaya sa tuwing may session silang dalawa ay si Martin

