LALA POV MALAKI ang naging pagbabago sa buhay ko mula nang ipaayos ko ang buhok ko. Bukod sa dumami ang mga tanga-hanga ko ay palagi rin nilang pinupuri ang buhok ko at siyempre kasama na ang mukha ko. Hindi naman sa pagyayabang ay talagang bumagay sa akin ang buhok ko. Hindi na ako mukhang Amerikang pango gaya ng sabi ni Sir Matt dati. Napapansin ko rin na mas madalas na akong pansinin ni Sir Matt pero hindi na nakaangil. Feeling ko nga nagpapa-cute na siya, char! Nakaka-proud din pala na may igaganda pa ako kahit paano. Pati nga guwardya ng resort ay mukhang crush na rin ako. Charot! Basta isa lang ang masasabi ko sa pagbabagong-anyo ko, gustong-gusto ko ang sarili ko ngayon. Hindi na ako mukhang yagit na hindi marunong magsuklay o mag-ayos man lang sa sarili. At alam kong mas k

