Chapter 28

2706 Words

CHAPTER 28 LALA SAKAY ng air-conditioned bus ay bumyahe na kami ni Carding paluwas ng Batangas. Wala kaming ginawa sa loob ng bus kung 'di ang magtsismisan sa buhay-buhay naming dalawa. Inabot ng walong oras ang biyahe namin ni Carding at pasado alas kuwatro na ng hapon nang makarating kami sa resort. Lihim akong nagpasalamat sa pangungulit ni Carding na mag-airconditioned bus kami, dahil kung ordinaryong bus ang sinakyan namin, for sure hindi magiging ganito ka-fresh ang awra ko. Baka nagmukhang nilaspag na naman ako dahil sa init at alikabok. "Wow!" bulalas ni Carding sa tabi ko nang tumigil kami sa gate ng El Greco resort. "Ang ganda, bakla!" Natawa ako. "Ang oa mo, gate pa lang 'yang nakikita mo, bakla. Mamaya ka na humanga kapag nakita mo na ang loob ng resort. Halika na."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD