CHAPTER 27 LALA "HOY, CARDING! SAAN MO BA AKO DADALHIN, HA?" tanong ko sa aking kaibigan nang puntahan niya ako sa bahay namin at basta na lamang hinila sa kung saan. Kahit anong hila ko sa braso ko ay hindi ako nakawala dahil mas malakas pa rin siya kaysa sa akin. Lalaki pa rin naman kasi ang Carding na ito kahit malambutin. "Carding, saan ba tayo pupunta?" ulit ko. "Basta!" "Anong basta? Saan nga kasi, hoy?" "Diyan lang sa malapit." Walang kuwentang sagot nito. Hinila pa rin niya ako hanggang sa huminto na kami sa harap ng isang parlor. Wait, parlor? Mabilis kong binalingan ang kaibigan ko. "Anong gagawin natin dito?" "Magpapaganda tayo, bakla." "Hindi ko na kailangan—" "Hep! Hep! Anong hindi kailangan? Look at your hair, so chaka, so buhaghag, so dry, so ew—,aww!" m

