LALA HABANG nasa bahay ako nina Jelaine ay wala kaming ginawa kung 'di ang mag-chikahan. Sinadya ko triplehin ang kadaldalan ko dahil nabanggit sa akin ni Tatay Jaime kanina nang mapagsolo kami na libangin ko raw ang anak niya habang nandito ako sa kanila. At iyon nga ang ginawa ko, dumaldal na lang ako nang dumaldal pero siyempre may katuturan naman ang mga pinagsasasabi ko. Habang si Sir Matt naman ay nagpakitang-gilas sa pamilya ni Jelaine on behalf of his kuya. Ang buong akala ko nga ay uuwi na ito nang sumapit na ang hapon pero hindi pa pala. Nakipaghuntahan din ito kay Tatay Jaime, nagtaka nga ako kasi habang nakatanaw sa mga ito ay kita kong panay ang salita nito. At kailan pa siya naging madaldal? "Akala ko ba may Caden ka na?" Nawala ang atensyon ko kay Sir Matt nang magsalit

