LALA MASAKIT ang likod at puwet ko nang tuluyang makababa ng bus. Nag-inat-inat pa ako para kahit paano ay gumaan naman ang pakiramdam ko. "Thank you naman po, Lord. Nakarating ako nang safe." Naisatinig ko habang inaayos ang nagulo kong buhok dahil sa malakas na hangin. Sa ordinaryong bus kasi ako sumakay kasi mas mura at hindi rin ako mas'yadong sanay sa amoy ng aircon. Madali akong mahilo kapag samo't saring amoy ng pabango ang maaamoy ko kaya hindi talaga ako sanay sa aircon na bus. Kinuha ko ang tali ng buhok ko sa bulsa ng bag ko at kaagad na ipinusod ang buhok ko. Naglagay din ako ng kaunting pulbos sa mukha dahil nanglilimahid na ako sa lagkit. Pakiramdam ko puwede nang pagprituhan ang mukha ko sa sobrang oily. Naglagay rin ako ng kaunting lipgloss, para hindi naman mukhang

